Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Monday, November 15, 2010

Hi! anybody home??

It's been such a very long pause before I have written something in here again. I was just out there, trying to fix everything up particularly the things that have been stolen from me on that holdup...hmmm, not just material things but the unseen things like courage. I've become so paranoid sometimes when I am traveling alone especially at night. There came to a point when I felt that my heart is already pounding involuntarily with no reasons at all. Well I'm just happy that I am getting there! recovering all those things..

Tuesday, October 19, 2010

Trapped

Trapped in a Maze that has been created
Bombarded with thoughts which made me jaded,
It's when everything has been wasted
With people whose belief were already twisted.

I am running as fast as I could
Just like what a kid usually would
Do in times when mommy is gone
And strangers are laughing and making fun.

Time will pass and I will forget
The fear that I have felt without regret,
It's justified with you not being met
By death and Satan's trapped that was almost set.

A Movie is not Only a Movie

Credits to the Producer of this Film
I have always been a fan of Unpredictable Movies way back when some of them were shown at Channel 2 when I was young. I am not sure if you remember those kinds of movies that were directed by some of the top caliber film makers with the likes of Lino Brocka, Ishmael Bernal, Mike de Leon and Peque Gallaga. My favorites were Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag, Oro, Plata,Mata and Tinimbang Ka Ngunit Kulang. I love how they have executed the scenes and how the ending had been revealed. These kinds of films are definitely in to the stories which are not that really popular and were not so mainstream. A taste of intriguing facts were uncovered to tickle the minds of all its viewers.

During the 1990's, these types of films had suddenly vanished and had been replaced by mainstream ones which tackles very predictable plots, until Indie Films rose from somewhere. I got interested with it because it tries to resembles how the famous Directors (which were mentioned above) had executed their masterpiece.

The actors and actresses on these kinds of films usually act so naturally, thus the emphasis was always being put on the emotion and not on the actors themselves. I just thought of this one upon watching "KEKA" last Sunday on GMA 7. Katya Santos played the part of Keka (Francesca Jose), although she and almost all of the casts were from mainstream group, what caught my interest is the story itself and the music (I love Sugarfree's Unang Araw!! :)...very unpredictable. Of course credits to Quark Henares who directed the film.

Please see below:


Unang Araw by SugarFree (Part of the Soundtrack)

Tulay

Matalinghaga ang buhay at malalim ang kahulugan,
Puno ng tanong at ang sagot ay hindi matagpuan..
Sa bawat oras na lumilipas ay may hinihintay,
Ang taglay na pag-ibig sa inyo ko iaalay.

Kamusta ang Unos? Sa inyo ba ay dadaan?
Ito ay nagngangalit na wari'y nakikipaglaban,
Ang daluyong ng tubig ay raragasa sa tulay
Ngunit hindi guguho sapagkat ang materyal ay tunay.

Ganyan ang tao kung puso ay may kabutihan
Lahat ng pagsubok ay tiyak na malalagpasan,
Ang mga nawala'y magbabalik sa buhay
Sapagkat, walang makakahigit sa pag-ibig na taglay.








Monday, October 18, 2010

Eto na!!! (ang bangungot)

Ako ay pansamantalang naglaho sa sirkulasyon ng blogspot, sapagkat ako ay nasa estado ng halu-halong emosyon na nagsimula kahapon.

Burahin ang masasamang Memorya

Naimbitahan ako sa Birthday at may halong pa-despedida na rin sa isa kong kabarkada sa BSU na si Rowie nung gabi ng Sabado. Kasama ko si Enteng na nagpunta sa 10th bar para mag-celebrate kasama ng mga pinakamamahal kong kaibigan na matagal ko ng hindi nakikita at lagi kong ini-injan sa lahat ng lakaran (loner??). Isang normal na kasayahan lamang ang nangyari; biruan, kuwentuhan, nanood ng mga nag perform at kung anu-ano pa. Natapos ang gabi at nagpasya na kaming maghiwa-hiwalay ng mga bandang alas dose hanggang ala una nun). Sumakay kaming anim (ako, enteng, viebz, whel, rowie at eric) ng jeep na byaheng pa-Malinta yata sa aking pagkakatanda sa may San Pablo, Malolos Bulacan. Nakapuwesto kami sa may malapit sa babaan ng jeep at may sumunod na mga sumakay na dalawang lalaki sa tabi ng driver. Sa may bandang Tabang, Guiguinto (sa Eurobake, para maging eksakto) may apat na lalaking sumakay na pumuwesto sa bandang likuran ng driver. Wala kaming hinagap na maaring mapanganib ang mga iyon sapagkat nagkakabiruan pa nga kami, taliwas sa nararamdaman ni Enteng... nakita na niya na may nakatago sa damit ng isa sa kanila. Marami na raw umiikot sa utak ni Enteng nang panahon na iyon ngunit biglang may 2 lalaki na sumabit pa sa jeep.

Matapos lamang ang ilang sandali, nagdeklara na ng holdap ang mga lalaking un. Sa totoo akala ko na out of balance lang ang isang lalaki kaya napatagilid, ngunit ng kinuha na niya ang gamit ni Whel, dun na ako natulala, take note!! natulala. Tinutukan na kami ng mga kutsilyo habang isa-isang hinahablot ang mga gamit nmin. Ilan na lamang sa mga eksena ang natatandaan ko:

Viebz: "ayaw ko po!" (nawala din cguro sa sarili c viebs kaya ayaw niyang ibigay ang mga gamit niya,pero nang lumaon ay ibinigay na rin niya, sabi nga namin.. "delikado ang ginawa mo viebz"

Whel: "Ibigay mo na Eric!!!!!" ( ang nakaktawa nito, lusot na sana si Eric!, di pa naman hinihingi gamit niya tapos pinabigay ni Whel... ahahahahaha!! joke!..

Enteng: "Sir, kahit ID lang po"
Halimaw: "anung ID.. P*#@&#ina ka!!!!" (sabay akmang pagsaksak sa kanya ng mahabang kutsilyo).

Ako naman ay natulala habang hinihila ng isang halimaw ang shoulder bag na naka-cross sa katawan ko. Dahil nga naka cross ang tali, nahirapan siyang tanggalin at nang umabot na sa may buhok ko, naharangan naman ng ponytail ang tali na lalo pang nagpahirap sa akin at para akong asong may kadena. Nang dahil sa pwersa, natanggal ang pony tail at tuluyan nilang nakuha ang mga gamit at bags naming lahat. (buti na lang hindi niya inakala na ayaw ko ibigay kundi tigok ang leeg ko!)

Bumaba ang mga lalaki, sabay sigaw ng "paandarin mo na!!!!!!". Pinaandar ng driver ang jeep ngunit medyo mabagal siya na lalo pang nagbigay ng takot sa akin at sa aming lahat dahil puwede pa silang humabol. Nang natapos na ang kumosyon, isinigaw ko ang takot at tumangis ng pagka lakas-lakas.. hanggang sa hindi ko na ata nakayanan, ako ay nawalan ng malay. Ayon sa kuwento nila, umiikot daw ang paningin ko nun at hindi na halos malaman kung may hininga pa. Hindi ko na matandaan ang nangyari, pero naririnig ko ang mga boses nila ngunit hindi ko magalaw ang katawan ko. "Mau!! Mau!!! gumising ka!!!! nauulinigan ko, kawawang mga kaibigan ko.. huhuhuhu.. nag-alala ng husto sa kalagayan ko.

Habang nagyayari ang lahat ng ito, nakita namin na may nakasunod na tricycle sa amin at ang malupit! sakay ang mga halimaw. Ngunit sabi nila, nawala rin ata, dahil pumasok sa isang kanto (hindi ko alam kung anu eksena masyado dito). Matapos nun ay nagising ako at nakita ko na may mga tao na, at ang sumunod na mga eksena ay sa Police Station na ng Guiguinto (na ang mga Pulis ay napaka efficient, joke!!! mga tulog ang mga tinamaan ng tooooooooooott!!). Nagkaroon ng pag ronda, una sa may Malis na pugad daw ng mga holdaper, kasama kami (Guiguinto rin) pero wala ring nakita. Nang walang lead, bumalik kami sa may tricykelan at doon ay napag alaman namin na sa Tabon (bandang Bulacan, Bulacan) nagpahatid ang mga Halimaw, (if I know! kasabwat din ang mga driver ng tricycles na nakausap namin). Nang ginaygay namin ang lugar, sobrang madilim at sobrang depressed ang itsura ng mga bahay, (naiisip namin habang tinitingnan namin ang mga barong-barong, isa sa mg bahay na ito... nakamasid ang mga halimaw..tumatawa dahil nakatakas sila.)

To make the story shorter, may pagka Intel Inside ang mga Pulis (Inutil) at walang nangyari kundi "BLOTTER"(normal na proseso, normal na dead end katapusan ng bawat pagrereport di ba? hindi na uso yung nahuhuli ang mga suspects?.

Naghiwa-hiwalay na kaming lahat, tangan ang isang bonding na kailanman ay hindi malilimutan. Umuwi muna kami ni enteng sa bahay nila sa Malolos upang magpakalma at saglit na magpahinga (alam kong sobra rin ang pagod at pag-aalala niya). Tinawagan niya ang Kuya ko para sabihin ang mga nangyari at gaya ng inaasahan kalmado si Kuya pero ramdam mo ang pag-aalala. Nagpasya si Kuya na huwag na munang sabihin sa Mama ko dahil may sakit sa puso, kaya lahat ng iyon ay hindi nalaman ni Mama habang wala ako.

Dumating ako ng bahay.. DUMATING AKO NG BAHAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! salamat GOD!!!!!!! SALAMAT!! buhay po kami!!.

Isang Traumatic na Gabi.. akala ko sa pelikula lang nagaganap, pero hindi pala. Sa ngayon, hindi na ako nakakaramdam ng kahit anu pa man (cge na nga, nkakaramdam ako ng takot, phobia pag nakakakita ng grupo ng mga lalaki). Pinipilit kong kalimutan at iniisip ko na lang mahalaga buhay ako....kami..

Isa pa, pinagtibay pa ng pangyayaring yun ang pundasyon ng relasyon naming magbabarkada at ang pundasyon ng relasyon namin ni Enteng.

Mahal na mahal ko sila!!!.. eh ano kung wala akong cellphone??? eh ano kung wala akong kahit ano??.. nandiyan naman sila at nakita ko rin ang mga taong nag-alala at may pakialam sa akin. Salamat sa inyong lahat!!

Eto na!!!! ang memories ng barkada!

Saturday, October 9, 2010

Anger Management...

There was an instance this past week when my patience has been put into test. I am not easily being pissed at someone if they have done something awful to me, but if they keep on doing it to me on numerous events then that's the time when the dormant volcano will become active.

I have to admit it, anger really contributed to the stress that I have felt but then again I am not liking that. I keep on thinking on what had happened during that disappointing situation when I got angry, and I kept on telling to myself that what she has been doing to me and  to some of our colleagues were definitely wrong. I came to the realization that I shouldn't have let anyone put me down anyway, and that made me justified my anger even more. The tendency is that, I let myself flourish the rage that I was feeling that time and it's very difficult to contain, I swear!. However, now that I have finally overcome it by not paying so much attention to that person and to what had happened, I can't help but to think of ways on how I will be able to manage my anger.


I find below key points very effective for me during the times when I am starting to get pissed:

1. Take a deep breath.
2. Let that someone finish his/her argument and say nothing.
3. Listen to his/her explanation but at the same time, think of a very peaceful scenery in order to balance your emotion. ( a very difficult thing to do)
4.Try to look for a reason why he or she is acting that way. It might help you realize that you should not engage yourself to a fight with someone who has a totally different perception with yours.
5. After doing the points above, express your opinion in a nice but firm way.

These things are not that easy to do but I am also trying my best to practice what I have written above. I'll just raised everything up to the Lord as I know, anger won't lead me to anywhere but stress.

Wednesday, October 6, 2010

New Age

"Heaven".. that's how it feels when I am listening to Vangelis, Enya and Enigma's music. Their genre is not that popular to some of you but trust me, they can really soothe one's soul when you listen to them. You will usually see their tracks on my playlist when I am sort of stressed already. It just gives me a very relaxing atmosphere which totally helps me to focus on what I am doing and to ease the pressure. For me? only genius artists will be able to incorporate this kind of ambiance on their masterpiece, where the impression of mystery is really evident.

Their sound is part of a genre called "New Age". This pertains to various styles that creates relaxation and optimism which are also being used for yoga, meditation and massage. It is also a good medium to create a very peaceful atmosphere on our cribs and often associated with Environmentalism. When you listen to it, try to close your eyes and imagine a virgin world or the cosmos in order for you to feel the tranquility.

Some of my favorite tunes are as follows:

Enya - Storms in Africa
Karl Jenkins - Adiemus
Vangelis - Conquest of Paradise
Gregorian - The Gift











Sunday, October 3, 2010

The Libra...in Me

There are some instances in our lives that we find some of our behaviors too unique from that of the others. You will ask yourself, "is it just me who's feeling and acting this way or are there some peepz out there who are also experiencing the same?". I must admit, yes I am bit eccentric sometimes but I am trying my very best not to cross the border that much, to the point wherein being freak will become one of my traits.

Apparently, one time I was surfing the net and tried to seek for some answers if there were any. I checked for my birth sign which is LIBRA and I found an article that really caught my attention and interest. I was just so astonished that the full article really described who I really am,in fact I was laughing while I was reading it. I love how the so-called BALANCE was emphasized on the article. It seems that the life of a Libran revolves around the idea of a never ending search for the balance on everything that we do or feel and we will not stop until we get the right mix. In addition to that, some points there that I really find amazingly correct  are as follows:

  • "He loves people and hates to be rude to anyone."
  • "On one hand, Librans are very intelligent, on the other; they may be amazingly naive and susceptible."
  • "They come across as restless, but seldom seem to be in a hurry."
  • "a Libra mind is prone to fickleness."
  • "He is always weighing the pros and cons of a situation and finds it very difficult to form the perfect, balanced, opinion"
  • "They will keep on working for weeks, even months, at a time, managing on four-hours sleep everyday. Then, suddenly, they will feel completely exhausted and go into the laziness spell. Once this happens, it is impossible to even make them move a limb." LOL..
  • "he may become too sentimental one moment, turn sarcastic the other moment and become extremely cheerful in the very next. Again, it's not their dual personality, but a Libran's constant need to experience different emotion at different points of time." 
Hahahaha.. Ain't that very ME??? I definitely agree with the mentioned traits. If you would ask me, who is being described above? that would undoubtedly be me and all of the other Librans out there.. would you agree?

Saturday, October 2, 2010

Promises are made to be Broken

"Promises are made to be broken!", yes they are! but I don't take it negatively. That's the reason why as much as possible, I don't make any promises to anyone at all. I just do what needs to be done and I won't tell anyone about it unless I have already executed the task. Perhaps my promises were just  kept in my heart and in my mind. I silently speak to myself and make a vow to do something be it work, family or relationship related concerns.

I would love myself to be compared to a "sniper", haha!, quietly and surely aiming the target promise. However, not all people have this kind of philosophy when it comes to this matter, that's when confusion and disappointments occur at most. I hate it when some are bragging about what they can do and what they can provide, but then again it will just be left hanging in the air.

So to end this opinion up, just a piece of thought.. never give out any promises that you will never be able to do or better yet, never give out any promises at all. Luckily, all people who are very close to me are also snipers like me.

Lakas ng Trip

Sa dinami-dami ng subject na puwedeng makunan ng Pics etong mga 'to ang naging paborito ko:

Ang aking asong walang kamalay-malay (tsk! tsk! tsk!)

Halloween mode sa bahay, ako at ang kuya ko

"Amo! hindi ba cruelty to animal to? PETA asan kau.. ahahaha"

Blag ni Maw

Nitong nakaraang araw habang nasa byahe ako, bigla kong natawa nung naalala ko yung text na natanggap ni Nicole Hyala sa Tambalang Balasubas at Balahura. Ito yung segment ng show na nagbibigay sila ng advice and it goes something like this, "ako po si (di ko na matandaan ang name eh! hehe), ako po ay isang BUTTERED WIFE".. hahahaha, minantikilyang misis ito teh!. Siyempre umulan ng pang-ookray galing kay Nicole lalo na nung in-spell niya yung butter na dapat sana ay BATTERED. Naisip ko tuloy yung mga katulad na  mga pangayayari sa pang araw-araw kong pamumuhay. Sa opis, sa daan at kahit saan.. may mga salitang napaghahalo-halo o nabibigkas ng medyo lihis sa tama. Paunawa, ang lahat ng nakalista sa baba ay hango sa tunay na mga narinig ko...katuwaan lang walang  bahid pang-aalipusta, pang-ookray? hmmm... baka..ahahaha

* sa email: "We are going round ENCIRCLES!" - nagagalit sa email, paikot-ikot daw kami...sabi ng IN CIRCLES, " ako dapat ang nandiyan!

*In furness - saan? sa aso o sa pusa?? ... pede ring bigkasing "In fairness"

* "Oldo" - kapatid ni Baldo, at malapit kay Although.

* Sa Phone: "all right, thank you boat!" - nagpapasalamat sa 2 taong kausap sa phone, so nagsasalita ang boat?


* "Over Juice" - Pag hindi pa nababayaran ang invoice, over juice! pineapple or mango? mamili ka..

* "Second Dyir" - pagkatapos ng First Tyir, Second Dyir.

* Sa Jeep sa may Edsa, Caloocan: "Pakibaba lang po ako sa Kanto T______", kuya, try mo naman Kanto po ng Tinio.

* "Laugh Top" - de-tiklop na kompyuter, laugh top.

* "Bambi Jumping" - extreme sports

* Efrin - pangalan ng kapatid ko, spells as Efren pero nang may naghanap sa phone "hello, anjan po ba si efrin?"

* the nerd!!!! - expression na may matinding galit, sabi ng nerve "oh ikaw na nerd!"

* sa classroom, teacher: sino pa ang di nagpapasa?, student: Sir! si Matthew Pa!!!!!

ahahahaha.. sorry naman, laugh trip lang.. ako na daw ang mapag-observe.. chiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii...........

Monday, September 27, 2010

Itchy Eyes

Waaaaaahhhhh.. I don't want to end up with sore eyes!!!!!!.... the idea of using my Sick Leave is not an option at this time. There are lots of things that I need to do that's why I am not happy to feel this itchiness on my eyes right now. It started yesterday when I'm on my way to the office, and since then I am qute bothered with the thought of having that infection.

Wish me luck! I'm about to sleep and the moment of truth is when I wake up.. dug..dug..dug..

Saturday, September 25, 2010

Time.. where did you go?

Time..I'm always wondering if it is possible for one to have the power of stopping time just for a moment, I bet it would be a very interesting one. There's so many things that you will be able to do just like some assignments that you wanted to accomplish but you don't have the luxury of time to do so.

It just suddenly crossed my mind because I have turned 24 last friday and I kinda feel happy and fulfilled, but a bit  nostalgic with the thoughts of how my 24 years in this world had been. Somehow, I can say that it's not bad after all, i have done my part by fixing my life and putting everything in it's proper place in a way which I know is right. However, there are things that I still wanted to think about before I could move forward with my life, but time is ticking and I will be left behind If will not make up my mind.

My age is telling me "hey! you're getting older each year, and that's the sign that you should also be getting wiser each year right?" but I am not sure if this is really what I am going through. Anyway, indeed I am really thankful that another year has passed by and I guess that I am walking onto the right track. Time has once again proved its superiority against me and I am being challenged by it.


Pagbabalik-Tanaw sa Ondoy

Alas-dos ng umaga noong Sept. 25, 2009, Sabado noon, halos kararating ko lang galing sa trabaho pero unti-unti ng lumalakas ang hangin at ulan sa labas ng bahay. Siyempre kabado ako, kasi talagang pinapasok ng baha ang bahay namin kapag may ganoong uri ng panahon, pero hanggang tuhod pa lang naman ang pinakamataas na inabot ng baha sa loob ng bahay ng mga nakaraang taon. Hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala na baka pasukin na naman ng tubig ang bahay namin kaya tumulong na ako sa paglilikas bago pa man tuluyang tumaas ang lebel ng tubig. Matapos ang pagtataas ng mga gamit, nakatulog din ako dahil sa kapaguran. Mga bandang alas kuwatro ay nagising ako at dumampi na nga ang tubig baha sa loob ng bahay, ngunit pahupa na rin naman dahil nagsisimula ng bumaba ang lebel  kaya bumalik ulit ako sa pagkakatulog. Alas-siyete ng umaga halos wala ng tubig sa bakuran namin, sobrang pababa na siya kaya nagsimula na kaming magligpit ng mga gamit pabalik sa kani-kanilang lugar.. pero.. nagkamali kami.

Hindi huminto ang pag-ulan at nag uumapaw ang pagbuhos nito mula sa kalangitan. Nandoon pa rin ang takot namin pero dahil nga bumaba na ang tubig, pinipilit na rin naming kalmahin ang mga loob namin hanggang sa nakinig kami ng radyo. Mga bandang alas-onse ng umaga nang nag-abiso ang announcer sa radyo na maaaring magpakawala ng tubig ang dalawang dam (Ipo at Angat) at siguradong matatatamaan ang Marilao, Bulacan. Lingid sa aming kaalaman ay nangyari na pala, pagbukas namin ng pintuan ay sobrang laki na ng tubig. Kung kanina ay malapit ng makita ang semento sa may bakuran, ngayon ay tumambad sa amin ang mala-dagat na eksena sa labas.

Nagmadali ulit kaming ilikas ang lahat ng gamit ngunit ang tubig ay parang nangngangalit na pumapasok na ng mabilis sa loob ng bahay. Sobrang bilis! at sobrang nakakatakot, parang eksena sa Titanic at aaminin ko natakot ako ng husto. Noong una ay dinadaan ko lang sa tawa, pero nang nilagpasan na niya ang tuhod ko at mabilis pa ring umaakyat ang tubig, wala akong nagawa kundi umiyak at kasama ng pamilya ko ay nanalangin kami sa aming kaligtasan. Naisip ng aking kapatid na lusungin na ang hagdanang kahoy sa baba ng bahay kahit malalim na ang tubig upang makaakyat lamang kami sa kisame ng bahay na kaya naman kami i-accomodate. Nakakatawang inuna namin ang aso sa taas, sumunod si Mama na kahit na matanda na ay dali-daling inakyat ang matarik na hagdan na dahil na rin siguro sa adrenaline rush at sumunod ang aming pinsan. Naiwan kami ni Kuya dahil nag-aakyat pa kami ng ilang bagay na magagamit namin tulad ng pagkain, de bateryang radyo, posporo, kandila,isang palaman, tinapay, tubig, kutsara at mga damit. Nang umabot na sa baywang ang tubig, minabuti na naming sumunod sa taas dahil pataas pa ang tubig.. at ang mga sumunod na pangyayari ay mistulang bangungot.....

Mga bandang alas-tres ng hapon ay tuluyan na kaming umakyat lahat sa taas at nakinig kami sa radyo. Doon ay nalaman naming malawakang pagbaha pala ang nangyari sa buong Metro Manila, lalo na sa Marikina at karatig na mga lugar, ngunit hindi namin alam na sobra na pala ang nangyayari. Nang gumabi na ay binalot na ng kadiliman ang buong kisame maliban sa unting liwanag na binibigay ng kandila at patuloy kaming nag-abang kung tataas pa ang tubig. Wala kaming ibang naririnig kundi ang lakas ng hangin at dagundong ng ulan sa bubong. Sa mga panahong saglit na tumatahimik ang paligid ay nakakarinig kami ng mga hiyawan sa labas ng bahay, mga nag-iiyakan na kalaunan ay nalaman naming mga taong umakyat na pala sa bubong.

Nakakatakot, pero nilakasan lang namin ang aming mga loob at nanalangin na sana'y huminto na ang pagtaas ng tubig at ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nagpalipas kami ng magdamag sa kisame kasama ang mga daga at mga ipis, makakapal at maiitim na alikabok na sobrang hindi ko makakalimutan. Ang laman lamang ng aming tiyan ay tinapay at tubig, kaya ganoon na lamang ang gutom namin sa taas. Ang tanging komunikasyon lamang ay kay Enteng, sa bestfriend ko, at sa mga kamag-anak na sobrang nag-aalala na, pero napakahina ng signal kaya hindi rin maganda ang ugnayan. Iyon na yata ang pinakamatagal na gabi sa buong buhay ko, pero sabi nga bawat unos ay may katapusan at sisilip ulit ang Haring Araw.

Kinaumagahan ng Linggo, Sept. 26 ay tumambad sa amin ang makapal na putik sa bahay, sira-sirang mga gamit at kung anu-ano pang di kagandahan sa paningin. Nalaman din namin na mas malala pa pala ang nangyari sa ibang bahagi nga Bulacan at Metro Manila, sapagkat marami pala ang namatay. Nakakapanglumo pero nagpasalamat na lang kami na walang nasaktan sa pamilya namin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon sa tanang buhay ko. Isang leksyon na sobrang makapangyarihan ang kalikasan, lahat ng ginagawa natin sa kanya ay maari niyang ibalik sa atin. Ang Diyos ang may desisiyon kung ikaw ay maliligtas o hindi. Siya si Ondoy.. simpleng pangalan ng bagyo pero tumatak ng husto sa ating mga utak.
Kuha noong hanggang beywang pa lamang ang tubig
Mala-dagat na Eksena
Lumutang ang Mesa kung saan may nakapatong na Upuan

Sunday, September 19, 2010

Biyuda

Sa dapit hapon ng kanyang buhay, wala na siyang ibang mahihiling pa...lahat ng kanyang mga anak ay nakapagtapos na. Tila ang mga pangarap na dati ay nasa panaginip lamang ay unti-unti na niyang nakukuha. Naranasan niyang maghirap at lumuha gabi-gabi sapagkat wala na siyang maihain sa hapag na kakainan nilang mag-anak. Sa halagang sampung piso, may mabibili ba? meron!! isang itlog na paghahatian ng kanyang dalawang anak sa loob ng isang araw. Sa kabilang banda, hindi na niya iniinda ang pagkalam ng sariling sikmura sapagkat ang masilayang masaya ang kanyang mga anak ay sagot na sa kanyang sariling kagutuman.

Hindi siya sumuko, tanging paglaban lamang ang kanyang ginawa buhat ng mawala ang kanyang kabiyak. Hindi na kailanman inisip na sumama sa iba upang may makasama lang sa buhay. Ipinaglaban niya ang lahat hanggang sa magbunga naman ang kanyang pagsisikap. Nairaos ang buhay at ang lahat ng pangarap ay unti-unting binuo, parang isang istorya sa pelikula na kung saan ang bida ay nagwagi sa lahat ng hamon na nadaanan.

Ngunit ang panahon ay lumilipas, sumasapit ang katandaan. Kaakibat ng tagumpay ay ang paghahanap ng landas ng kanyang mga anak patungo sa kanya kanya nilang buhay. Alam niyang mangyayari ito kaya't ngayon siya ay naghahanda sa pag-iisa, lumuluha na naman sa gabi, naghihintay at nag aabang sa pagdating ng kanyang mga supling.

Gamit ang kanyang malabong mga mata, tinitingan niya ang orasan. Ninanais na makatanggap ng kahit na anung mensahe mula sa kanyang mga anak, ngunit wala. Walang senyales na sila'y darating na..

Hanggang sa tumunog na ang gate at dali-dali siyang lumabas.. doon ay nakita niya ang dalawa niyang anak.

"Ma, nandito na po kami Happy Birthday!.. mahal na mahal ka namin, nandito lang kami para sa iyo, kailanman hinding-hindi kami mawawala."

Saturday, September 18, 2010

Resident Evil's Aftermath in Me

Resident Evil never failed to give me so much excitement when I am watching it. I love how Milla Jovovich portrayed the role of Alice, a lady character who is known for her mesmerizing actions. Believe me, Enteng and I were in silence during the heart pounding action sequels of that movie. I didn't even want to close my eyes during the fights but an exception would be the scenes where the ugly faces of the villains were appearing, It's just unleashing horror in me.

The best scene for me was the one where Alice was trying to escape from the mob of zombies on the top of the building. After she had made her stunts? I just said to myself..."Oh God! that was really cool!, I just wish that I could do the same.. LOL".

Lastly, I will not end this blog without mentioning the dogs.. yes! the ugly dogs..they are absolutely giving me an eerie feeling until now. I really hate to see how they look like, poor creatures.

Anyway, I am not part of the promotions team of that movie, neither will I receive a commission for the number of people who will watch it. Nevertheless, this is a highly recommended movie for all action movie lovers out there. Two thumbs up! I can't wait to watch the next sequel. :)

Theatrical Poster

Friday, September 17, 2010

Ang labo...

"Para!!! Para! hoy!!!! Sinabi ng Para eh!! leche ang layo na!"

Alam niyo kung saan nagpapara?? sa stoplight lang naman o kaya sa bawal na lugar. Ang labo no? ganyan tayong mga Pilipino. Sa "No Smoking" sign, ayun andun! naghihithitan ng yosi, o kaya naman sa "No Loading and Unloading Area", andun ang mga Bus hindi magkamayaw sa pagtatawag ng mga pasahero ang mga kundoktor. "Cubao! Cubao! Cubao" sabi ng barker, ang pasahero naman "Cubao po???" ahahahaha, ang lalabo talaga kausap. Isang nakakatawang bagay na minsan nakakainit din ng ulo.. Walang kadisi-disiplina, "disiplina??? anu un???", parang ganun pa nga ata ang sasabihin sau pag tinanong mo kung ano ang disiplina eh.

isa pa, sa LRT.. "pababain lang po muna natin ang mga bababa, huwag po nating harangan ang pintuan".. paba..pababa.. wala na, nagtulakan na po cla mga kaibigan. Kung saan parang may giyera na sa LRT, bababa vs. sasakay, saan ka pupusta??

Gitara

Ako:

Sa bawat tipa, ikaw ang aking kasama
Ang patak ng luha'y ikaw ang nabasa..
Sa ligaya ikaw ang bida,
Tinutugtog upang may magawa..

Gitara:

Ngayong madami kang gawa, nasaan ka na?
Nasa tabi ako at walang makasama..
Kung nakakapapagsalita'y maaring hanapin kita
Nasaan na ang aking taga tipa?..

Ako:

Ang pag-ibig sa musika ay hindi mawawala
Ikaw ang karamay na laging naaalala..
Sa akin ay huwag magsasawa
Muli ay kakanta upang ikaw ay matuwa.

Gitara:

Darating ang panahon ako ay masisira
Itatapon at papalitan ng iba...
Huwag mong kalilimutan ang lahat ng alaala
Gamitin ang musika upang sumaya...

Alive ang Kicking!!!

I'm baaaaacckkk!!! I was just so busy these past few weeks that's why I haven't got any chances of posting new stuff around here. Well, after hearing that five of my colleagues at work will be transferred to another team then absolutely, what's next?.. it's absorbing their tasks by the remaining peepz and SADLY!! I am part of the retained martyrs.. LOL.

What's new?...I think it's not new anymore.. it's stress.. stress and stressssssssss.......Being able to meet the deadline, the target, the SLA or whatever term you would call it is giving me so much pressure. I don't know, I guess I am still learning to cope up with this not so good aspect of being a career woman. However, I am also fond of solving things that's why i find it so difficult to balance everything, but i am praying.. I wish i will be able to manage smoothly the responsibilities that have been given to me.. and will be given to me in the future.

I will just find a way to relax and ease the thoughts that will cross my mind during weekends. I just wanted to rest and give myself a break during this hibernation period. I will probably have to find time in writing songs again and of course decorating this site with my stories and points of views.

That's it!!

Tuesday, September 7, 2010

End of Chapter...

.. matapos ng naganap sa sinulat kong "Creepy Experience", naniwala na akong meron nga talagang kakaiba sa nangyayari. Hindi lang ako ang nakakita, pati rin ang bestfriend ko. Hindi ko nga alam kung malawak lang ba talaga ang imahinasyon naming dalawa, pero wala akong pinagsabihan ng mga nauna kong naramdaman kaya, imposibleng hinulaan lang niya yung kuwentong iyon para tumugma lang sa mga sinasabi ko.

May pagkakataon pa na ang isang dating Editor namin ay dumalaw sa opisina namin mga bandang mag aalas otso ulit ng gabi. Sabi niya huwag daw namin siyang iwan, tinanong namin, "bakit?".. ang sinagot lang niya "baka mamaya may makita na naman ako diyan! mga ganitong oras kung anu-ano ng lumalabas diyan.. eeeeehhhhh".. nagkatinginan n lang kami ng bestfriend ko dahil wala din kaming kinuwento sa ma'am namin na yun.

Ang pinaka weird pa ay hindi ako natakot, humantong pa na doon ako tumatambay sa 4th floor kung saan ko nakitang papunta yung puting imahe dati.. doon ako ngrereview mag-isa hanggang sa dumilim at wala akong nararamdamang takot, bagkus napakasolemn at peaceful pa sa pakiramdam.

Ngunit nag iba ang lahat ng isang gabing umuwi ako galing eskuwela.. habang naglalakad sa subdivision namin may kakaiba akong hangin na naramdaman. Malamig na parang tumatayo ang mga balahibo ko, hindi ko pinansin at nagpatuloy ako hanggang marating ko ang bahay. Kumain, natulog.. normal na gawain ang inatupag ko hanggang makatulog na ako. Kinaumagahan mga alas sais ng umaga, sinilip ako sa kuwarto ng Kuya ko na kararating pa lang galing sa panggabi niyang trabaho. Tinanong ko kung bakit, sabi niya wala raw matulog lang daw ako.

Nang magkasabay kami sa Tanghalian, ako at si Mama.di ko naiwasang magtanong.

"Kuya bakit mo ko tinitingnan kanina?"

Sa tanong na iyon, wala ng nagawa si kuya kundi magkuwento. Nag uusap daw sila ni Mama nung mga oras na yun..at sabay silang nagreact bigla sa isang pangyayari.. sabay na sabay dahil pareho nilang naramdaman. May dumaan sa gitna nilang dalawa na  hindi nila nakikita, pero alam nilang ang presensya ay tao, at yun ay papunta sa Kuwarto kung nasaan ako.

Kinuwento ko sa kanila lahat, at pinangaralan akong mundo ito ng mga buhay.. totoo sila pero hindi sila ang mga akala mong sila. Ginagamit lang sila kaya huwag na huwag kong tangkaing hanapin at i-entertain ang presensya nila, mas lalong huwag buksan ang sinasabing 3rd eye. Mula noon, may mangilan ngilan na lang na paramdam na hindi ko na rin naman pinapansin..

Mula noon, natutunan ko ang leksyon at hindi ko na rin pinapansin..

Gastroesophageal Reflux Disease: I hate it!

Umuwi ako kagabi...sa byahe namumutla na ako hindi ko na alam kung masakit tyan ko, masakit dibdib ko o masakit ang ulo ko. Halo halo na ang nararamdaman ko nung mga oras na yun.. sabi ko "Lord makauwi lang sa bahay.. ok na ako". Habang naglalakad na sa kalsada, wala na akong ibang magawa kundi tawagan ang mama ko para salubungin na ako kasi nanginginig na talaga ako. Nung tanaw ko na siya, parang biglang bumaliktad ang sikmura ko at alam niyo na ang nangyari. Sobrang pait ng panlasa ko, ang lamig ng pawis at ang gusto ko na lang ay humiga...

Nitong mga nakaraang araw, nasobrahan ata ako sa kaiisip tungkol sa trabaho. Nararamdaman kong may mapait pero binalewala ko lang, kahit na alam kong bumabalik ang sakit ko nung nasa kabilang kumpanya pa ako (ung kompanya sa may Boni na nag iistart sa letter A.. heheh. Pero ano nga ba talaga itong tinatawag nilang GERD?, nung na diagnose nga ako nito hindi ko maintindihan eh..."anu un??" ang haba pa ng pangalan, "Gastro.. gastro... anu??". Ang naintindihan ko lang, pag lumala Ulcer ang katapat dahil sobra kung maglabas ng acid ang tiyan ng isang tao pag may ganun ka.

Ang mga symptoms niya ay Heartburn, mapait na panlasa, saka pagkahilo. Ayaw ko ng maramdaman 'to.. ang hirap..


Reference Link:
http://www.medicinenet.com/gastroesophageal_reflux_disease_gerd/article.htm

Saturday, September 4, 2010

Creepy Experience

Caloocan Campus, one of the UAAP Universities, 3rd floor up to the 4th floor of the Engineering Building... during my stay at the DAWN (student publication), especially at night... I've experienced so many creepy things that I will never forget..knocks on the door, white figure climbing up the stairs, decorations like words of God slipping from the wall... lastly, a colleague of mine seeing a lady behind me..I'm already a graduate though, just wanted to share this things..

I was with my colleague at around 8pm in the office as we're trying to finish some articles. I can't remember on who initiated the request to go to the CR but we just did. We decided to take the 2nd floor's restroom because 3rd floor then was already filled with darkness.. After doing our thing, we went back and I opened the office door but I've seen a face coming right in front of my face but which made me shocked at first, but I didn't let my buddy notice it because I didn't want her to get afraid.. however, she suddenly ran away from me...I'm trying to ran after her just to ask why she's in a hurry.. we ended up at the ground floor as I really chased her with all my might.. i noticed that she was crying.. i asked her why? then she told me that a lady was right behind me during the moment that I'm trying to follow her..

The Animal Instinct in her

The video below is primarily dedicated to my mom. I love the video because of the nostalgia that I am feeling whenever I am watching it...

My mom did her very best to raise me and my Kuya on her own after the death of my father. I just can't even imagine the pain that she had undergone from that day she learned that Papa was already gone. With a 12 and 3 yr.old children to feed and to raise, it's not so easy after all.

The video, tells us the capacity of one woman to do anything and everything for the sake of her children. This is the animal instinct in all mothers, just like how a mother bear will defend her cub to death.


Why are people so afraid to get out of their Comfort Zone?

I am thinking of the answer for the above question after I learned my new task at work. Basically, this new task requires a lot of patience, being organized and careful before doing anything. But what excites me the most is that I don't have any training and background on this very problematic assignment. What I have right now is the fear of failing to accomplish what I have to do but then again at the end of the day, I have to step out of my comfort zone and help myself to get through this.

Almost everyone in our Team doesn't want to be put on that task, and then there was me...Ironically, it's very much ok with me because my knowledge with the full process will be much broader now. I already know the complex part, so please let me go back to the basics and learn new things now (even if it means new fear of failing which is not an option for me and the team).

That's exactly why people are so afraid to runaway from their Comfort Zones. We don't want to fail that's why we tend to be monotonous, but hey! change is the only constant aspect in this world. We may all be subject for diffiulties before we could cope up with the transition, but time will fly and soon you'll notice that you will become a master of what you are fering to do then.

To step outside our comfort zone, we must experiment with new and different behaviours, and then experience the new and different responses that then occur within our environment.

Gimik@Kuwago's Grill

Ano pa nga ba ang pwedeng gawin pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho? magandang ideya ba ang gimik??.. tama!!

Kasama ang mga ka-opisina ko na mga ayaw pa ring magsipag uwi nung Biyernes naisip naming tumambay muna sa isang bar. Sabi ni Rosechelle, "try natin ang Kuwago's", edi ayun na nga tinry namin bitbit ang abisong, "Rose! hindi mahal jan ah!, alam mo namang ala pang sweldo!" ahahaha. Napadpad kami sa Kuwago's Grill sa may Jupiter St. sa Makati, sa totoo? maganda ang lugar dahil open space siya, kung saan malayang nakakapasok ang masarap na hangin sa bintana. Pumuwesto kami sa malapit sa bintana kaya nakakarelax talaga sa pakiramdam. Walang humpay na picturan, kuwentuhan, kainan at tawanan lang ang nangyari sa amin... may kaunting inuman din (kaunti lang kasi yari ako kay enteng hehehe).

Masaya siya, sabi nga ni Noreen "mauulit pa to!"


P.S. Marj, kung mababasa mo to.. ang Tanduay Ice ay hindi juice.. masarap siya pero traydor ang epekto.. ahahahahaha.. peace!

Marjorie Cabrera, Rosechelle delaCruz, Noreen Malata
Sinalantang Tokwa't Baboy

Monday, August 30, 2010

Lost and Found..Thanks to God!

What's happening with me?? Am I that really forgetful or something weird is really happening to me. Last Friday, I thought I finally have to kill myself  because I can't see where my Cellphone has gone. I just bought that stuff and now I have just lost it? this was what's on my mind during that time. I bet I really looked so tensed and nervous with what has been going on at that moment... I really freaked out and I asked for my officemate's assistance. We went to the Restroom (the last place I remember where I brought my cp with) and tried to dial my number, and it was ringing but we can hear nothing in the restroom. I tried my luck to check my bag ONCE AGAIN, and there it was..Thank God!.

Next, I bought some siomai from my officemate and I forgot to pick it up from our refrigerator at the office then I wasn't able to take it home!!. Unfortunately, I will not be able to check it until tomorrow because I was in a long vacation. I am hoping that it is still in a good condition but I am 95% sure that it is already spoiled because the Janitors are defrosting the Ref. during weekends... haaaaaaaaaaaaayyyyyyyyzzzzzzzzz..

Another one, I just can't understand why I can't find my wallet on the table where I am usually placing it. It was last Sunday, when I once again panicked with the thought that my wallet has gone MISSING!.. oh no!! not again!!. I almost pissed my brother up because I was interrogating him if he happened to notice my wallet on that table (I'm just too worried.. hehehe). I was so depressed until I found it in a place where I never thought it would be placed. Apparently, my mother put it there in a hurry because we have a surprise visit from our relatives on that day. Again, thanks to God!, If I didn't recover it? I will just have to walk from Bulacan to Makati everyday (LOL)... my money and ATM cards are all in there..


Lastly, I just lost my hand sanitizer... and until now I haven't found any trace of its whereabouts. tsk tsk tsk.


As per our Chinese brothers and sisters, there is what they call the Ghost Month (August). One manifestation of such is when things are suddenly gone missing, it means some entities are playing their tricks on you... However, as per my personal belief???


N-E-G-L-I-G-E-N-C-E and BEING FORGETFUL is ones worst enemy after all.

Sunday, August 29, 2010

Scream of Joy

...I can't help to laugh out loud with the video on the link below. I almost cried (because of laughing) upon seeing the reactions on the faces of these four guys.

This video has been taken during the Ms. Universe Beauty Pageant, when the host mentioned the Philippines as the last of the final 15. I think they are just too overwhelmed and happy that they didn't bother to care on how they will look like on the record.

It's just so gay!!!.. ahahahaha.. and I love it...

We love you Venus Raj


Badminton Naman Tayo!!

Kunwari Lang

Talagang nahawa na nga ako kay Enteng... hehehe.. hindi ko akalaing darating sa point na sobrang magugustuhan ko ang sports. Una, running, ngayon naman Badminton na super enjoy talagang laruin. Hindi kasi ako mahilig maglalalabas, mas gusto ko lang sa loob ng bahay tapos soundrtrip lang ng bongga o kaya basa lang ng libro. Nakakapagod kasi na buong linggo ka nagwowork tapos kapag dating ng Sabado o Linggo, gagala ka naman. Pero, subalit, Datapwat... naimpluwensyahan pa rin ako ni Enteng sa running kaya tinuloy tuloy ko na. Ang masaya nito, simula ng tumakbo kami parang hindi ko na masyado nararamdaman ang stress sa work ko. Naging masigla ako kahit na tumagal pa ko ng 14 hours sa opisina katatrabaho. Tama talaga, malaking bahagi ng magandang pangangatawan ng tao ang Exercise.. Healthy ka na.. pampasigla pa.

Hindi ako nakuntento sa running, kaya ngayon go naman ako sa Badminton. Sa totoo, bukod sa volleyball na una kong naging sports, nag eenjoy talaga ako sa Badminton. 

chiiiiiiiiiiiiii!! ^_^

Model ng Gatorade?
                

Saturday, August 28, 2010

Nuestra Senora De La Asuncion (Sta. Maria, Ilocos Sur Church)

I am proud to say that my roots came from Sta. Maria, Ilocos Sur (both Dagdag and Tavita), a very simple municipality just 2 hours drive from Vigan. Here you will find a paradise, if your direction is from Manila, you just have to look on your left and you will find the scenery of the South China Sea. Meanwhile on your right, you will see the enchanting mountains seducing you to stare even more.

But there's so much more that you'll have to discover when you're there, my personal favorite is the Sta. Maria Church. This was declared as one of four of the UNESCO enscribed  Baroque Churches of the Philippines. This was approximately built  on the year 1769 by the Augustinians to serve as a fortress during the Philippine Revolution in 1896.

Let's read some stories:

Legend of the Sta. Maria Church Statue:Once upon a time, during the early decades of the Spanish rule in the Islands a violent storm suddenly arose some leagues off the shores of Sta. Maria. By a freak of fate, a Spanish galleon happened just then to be lumbering by. Caught unprepared by the sudden squall, the doomed ship was instantly wrecked, and finally sank. When the storm subsided, only a mass of wreckage was left floating on the waters. The waves soon washed the debris to the shore. Among the jetsam the townspeople found a large, battered wooden chest. When its lid was finally pried open, the chest disclosed, to the amazement of all, an image of our Lady of Assumption. What’s more amazing was its condition. Despite its watery adventure, the statue appeared dry and unharmed - a miraculous sign indeed! Overjoyed by the favor, the people instantly bore the image to their town and enshrined it in their chapel. The image remained since then as the town’s patroness and protectress…thus goes the legend ofthe famous statue now enthroned in the Sta. Maria Church.” (Ilokos Religious Imagery p. 122)

Legend of Sta. Maria Church Construction:“The story goes that in the beginning the statue of the Virgin was enthroned in the old church. This was then located at the foot of the present church, on the place where the East Elementary School is now situated. But this statue often disappeared and made its peregrination to a guava tree on the knoll where the church now stands. For this reason a new chapel was built on this site in 1810 together with the tower; its bells arrived the next year.” (Churches in Ilokandia Ilocos Sur-La Union p. 285)

 Ano pa hinihintay niyo? "Intayon idiay Ilocos!!!" (tara na sa ilocos!)

Photo Taken during our visit last April 2010

Just Don't

When the night, seems so cold
I'll be here, I will hold you close
I will chase away all the tears that fall
I will hold your hand so
Don't let go...


I cant' promise to stay, right beside you
I just want you to know
That my heart is with
I want you to feel, that you're safe in my arms...
And I'll listen to every beat of my heart..'coz


No one can hurt you, this time..No, no, no, no
I'll never let you slip away from me..
I'll get you out from where you're hiding
So you don't have to run..
Just don't close the door
And let me in for a while..


Every pain in your life I'll kiss goodbye
I will put out the fire that you hide deep inside
I will play the part of an angel who cares
I will put down the fire of the life if can't bear..

Panahon

Dadating ang panahong mawawala ako

Dadating ang isang umagang dala-dala ay pag-asa

Pupunasan ang luha, bitbit-bitbit na lang ay alaala

Buksan mo ang iyong mata,

Nakakaligtaan mo nang may bulong ang tadhana.

Kahit isip ay nawawala,

Binibitiwan ang sagot sa nakaraan.

*Darating ako, alam ko kung kelan ang tamang panahon

Ang anino ng kahapon ay, unti-unti ko munang pinapawi...

Kahit na saan ibaling ang mundo

Ako pa rin ang tanging sagot...

Panahon pa rin ang tanging paraan sa paglimot.

Sa ngayon, wala ka ng makita't kumakapa sa dilim,

Nais na, mag-isa na lang sa gitna ng lawak ng mundo.

Ang luha ay kasama ng daluyong at pagtakbo ng oras,

Kay dami ng tanong saan na ba ihahatid ng panahon?

Sundan Mo

Lumayo, Kumalas, at turuan ang pusong maglakbay

Dinggin mo ang sambit, Pagsusumamo sa hangin.

--Bawat sandaling pumipintig, ang puso'y umaawit

--Damdamin mo'y naglalaro, ang luha'y nangingilid.

Masdan mo ang pagsikat ng araw sa langit ng umaga,

Damhin mo ang haplos na dala ng pag-asa sa 'ting dal'wa.

--Sige lang walang magagawa, kundi ilabas ang nadarama

--Minsa'y bigo, laging bano, ang luha'y huwag itago.

Di ka nag-iisa kaibigan, Isigaw mo lang na kaya pa.

Ang nais mo'y makakamit, huwag lang mainip.

--Sundan mo ng tanaw ang dahong iniihip ng hangin.

--Damhin mo, ang halik ng pag-asang dumadampi sa 'yong pisngi.

Billiards Mode... Ayt!!!



Breaktime, around 9 in the evening last Thursday, we're all burnout at the office.. we need a taste of some recreational stuff to relieve the stress. Me and my colleagues decided to play billiards even if some of us are not really into playing this game (knock knock Wharisyl Tan, ahahaha).

Personally I am just curious on how I will be able to learn Billiards. Appreciate Grace (a friend from the office) so much for introducing me to this game. You won't believe how i messed up with my first grip of the stick because I can't even hold it properly during the attempted training.. LOLz.

Anyway, I am just so happy because we had so much fun during the game.  I even managed to shoot some balls (yey!! basketball??? forgive me, I just don't know the right terms..ahaha)

Just sharing.....

21st floor Solaris One Building, Gym (From left to right: Maureen Tavita, Mary Grace Macayanan, Janus Sistoza, Noreen Malata, Marjorie Cabrera)






From Left to Right: Wharisyl Tan, Grace Macayanan,  Janus Sistoza, Noreen Malata

Tuesday, August 24, 2010

It's Dark Outside

Hay Mau! What's with your mind? you're staring outside  and you can see how the clouds cry up her might. How do you feel about the weather? I bet you're thinking of something...

No, not really.. I'm just amazed on how  the leaves look like when  it is raining during the afternoon. It's dark outside though, but I can feel serenity. I often forget how our house and front yard looks like during weekdays and most especially during Office Hours. All I could think of are the problems that I am dealing with, that's why it's hard to defeat my stress. To tell you honestly, I badly needed this break, a vacation leave.. and for this day a sick leave (thanks to my swollen eyelids caused by a sty, grrrr).

I managed to hibernate, reflect and of course to recharge myself again with the battle ahead. To some? staring at the open sky and feeling the breeze seems so normal, but for me? it is a masterpiece.

Ok.. now.. I'll cease on being an emo.. back to reality! I'll go ahead and cook our dinner..chao!

Monday, August 23, 2010

Medalya

Isa akong misteryo, at mananatiling misteryo. Kakaiba ako sa lahat. Kung nasan ang karamihan, hindi mo ko matatagpuan dun. Kung anu cla, hindi ako ganun. Hindi ako natatakot gumawa ng bagay na tama..at lumaban sa hindi tama. Wirdo ako mag isip pero ang aking kawirduhan ay hatid ng pagiging malawak ang pang unawa sa mga bagay -bagay. Hindi ko itatanggi na minsan sa aking buhay naging pinakamataas ako..nanguna sa klase at nagtapos sa pinakamataas na posisyon..ngunit ako ay tumakas, sapagkat para sa akin ang kasiyahan ay nagmumula sa kasimplehan ng buhay. Ang simpleng paghinga sa halimuyak ng mga bulaklak at ang pagdampi ng hangin sa aking pisngi ay maituturing ko ng kayamanan.

Normal ang aking kabataan, kahit na maagang naulila sa ama? hindi nagkulang ang aking Ina sa lahat ng pagmamahal na maari niyang ibigay sa amin ng aking kapatid. Salat man sa pinansyal na aspeto, kumain man ng bagoong o asin masaya pa rin kami. Tinulungan ko ang aking sarili para tumatag at hanapin kung anu ba talaga ang kahulugan ng buhay. Wala akong takot sapagkat nandiyan sila sa aking tabi, marahil ito ang sandata ko sa lahat ng aking napagdaanan o mapagdadaanan pa.

Kung makikita mo man ako? katrabaho, kaibigan, dating kaklase...wag mong iisipin na ako na to.. may mas malalim pa sa pagkatao ko..pero hindi sa bahaging masama..kundi sa bahaging mabuti.

Kung sino ako? ano ako dati? iniwan ko na sa dati...ngiti na lang ako pag naaalala ko...

Hahaha

Natawa ako d2 sa mga jokes na to...

NANAY: Anak igisa mo yung sardinas para may ulam tayo
ANAK: Opo. Kakaliskisan ko pa po ba ang isda?
NANAY: ay Bobo!!,

...

Natural para masarap!

----------------------------------------------------------------

nanay: hon, kanino kaya nakuha ng anak natin ang kagandahan niya?
tatay: syempre sayo!
nanay: talaga? pano mo naman nasabi?
tatay: kasi walang natira sayo eh!!
*bastusan? lol!

----------------------------------------------------------------

isang ina ang nagsilang ng pagkpangit-pangit na sanggol...
ina: isa siyang kayamanan...
ama: oo nga, ahmm...
ibaon natin!!


-----------------------------------------------------------------


BATA: pabili ng lugaw
TINDERA: may laman o wala??
BATA: syempre may laman!! pakain ko sayo ang mangkok eh!!
---------------------------------------------------------------------------------

BATA: pabili pong ubas
TINDERA: wala kaming ubas!!

(kinabukasan…) BATA: pabili nga pong ubas
TINDERA: wala nga kaming ubas!!..isa pang tanung.. iiistepler ko na yang bibig mo!! bwisit!.(kinabukasan…)…BATA: may istepler kayo???
TINDERA: wala.. bakit??!!
BATA: Pabiling ubas

-----------------------------------------------------------------------------------

Q: "Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?" Ans: "Umiilaw!"
 

Q: "Sina Michael at Raphael ay mga." Ans: "Ninja?"
 

Q: "Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?" Ans: "Sunog!"

Q: "Magbigay ng sikat na Willie." Ans: "Willie da pooh!"


Q: "Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?" Ans: "Hindunesia? "
 

Q: "Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?" Ans: "Canadia!"

Q: "Kumpletuhin - Little Red." Ans: "Ribbon!"
 

Q: "Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?" Ans: "Itlog ng tao!"

Q: "Saan binaril si Jose Rizal?" Ans: "Sa likod!"


Q: "Fill in the blanks - Beauty is in the eye of the ____." Ans: "Tiger?"


Q: "Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?" Ans: "Saging!"

Q: "Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Inggles ng toyo?" Ans: "Baliw!"


Q: "Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?" Ans: "Kamag-anak! "


Q: "Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?" Ans: "Cold water!"

 
Q: "Sinong cartoon charcater ang sumisigaw ng yabba dabba doo?" Ans: "Si scooby dooby doo?"


Q: "Ilan ang bituin sa American flag?" Ans: "Madami!"


Q: "Ano ang tawag mo sa taong isa lang ang mata?" Ans: "Abnormal!"

Cold Frustrated Mind

I'm not really sure on why I am so fascinated with criminal investigative shows on TV with the likes of Criminal Minds and Cold Case. One thing is for sure, I am fond of finding out the truth, why it happened and who did what. I told myself, should I have been born in the United States? I am probably not in the field of business right now, but in the field of Public Service in the form of Law Enforcement, particularly in the Intelligence Department.

Intelligence comprises of two basic activities which are planning and execution. By formulating the best plan and initiating a flawless execution, no mission will fail and the goal will be achieved. However, one will not be able to do such activities if no analysis has been undertaken in between, thus the word "intelligence" really suits this kind of task.

Well.. anyway, I just thought of this topic after watching the Hostage Drama at the Quirino Grandstand just awhile ago. If I'm not mistaken, approximately 11 Chinese (Hongkong)  Nationals succumbed to that tragedy (which I really feel sorry for). I totally condemn that act of an ex- Police official, but in my judgment? I believe, that guy was obviously disturbed also and he had completely got out of his mind.

If only we have a Behavioral Analysis Unit in the Philippines, we might be able to save those lives in that bus, be it the victims or the suspect. The only thing necessary is the right words to be uttered and the right phsychological mindset to be given. Unfortunately, that didn't happen and that siege ended with a not so good scenario.

Let me just give you some instances during the crisis when I said to myself "Oh Cammon! are you kidding me????"

 -- Using a rope to remove the door of the bus (a rope! for God sake, not even a chain) and tying it on a service vehicle and let it pulled by it. Of course, need not to say it didn't materialize because the rope has been snipped.
-- Throwing tear gas & Flash bang on the bus with the victims still on it...
-- Broadcasting the game plan of the authorities.
-- Last but not the least, this really made me feel so upset... the outpour of the bystanders on the crime scene, trying to get some First hand glimpse on the aftermath. Where was the crowd dispersal Team? and lastly, where was the discipline on all of us people??.

However, I am not in the best position to review what happened.. all of those policemen who worked hard on that dillemma did a good job. I just wish the strategy on our Country's Law Enforcement aspect will go for a twist and will be improved.

Just a thought.. Just a wish..to carefully plan, analyze and execute to save some lives.

External Links
http://www.lawenforcementintelligence.com/008a.htm

Sunday, August 22, 2010

Bahay na Palaging Pasko

 
halos walang saplot.. isang daang mata ang nakamasid sa hubad niyang katawan.. naghihintay, nag aabang.. parang mga buwayang handang lumapang. Sa bawat giling niya'y luha ang kapalit, tangis ng mura niyang katawan na pinagpipyestahan na ng mga salaulang buwitre..

Sa pagyakap ng liwanag, makikita na siyang pauwi..may dalang pagkain sa mas nakakabatang kapatid, na naghihintay sa kanyang pagdating.. tanong niya, "umaga na, bakit hindi ka pa natutulog?"

sagot ni bunso, "ate, nakita kita kagabi.. marami kang kasamang mga lalaki tapos bakit ang ikli ng suot mo, ano ba ang trabaho mo?"..


Nabigla siya ngunit ang nasabi na lang ay " trabaho kong magpasaya ng tao"...

Sa isip niya "pero laman ang ginagamit ko, hindi para mapasaya sila.. kundi para mapasaya kayo.. ito lang ang alam kong paraan para mabuhay tayo".






---naisip lang pag napapadaan sa boundary ng bocaue at marilao bulacan---

Followers