Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Tuesday, September 7, 2010

Gastroesophageal Reflux Disease: I hate it!

Umuwi ako kagabi...sa byahe namumutla na ako hindi ko na alam kung masakit tyan ko, masakit dibdib ko o masakit ang ulo ko. Halo halo na ang nararamdaman ko nung mga oras na yun.. sabi ko "Lord makauwi lang sa bahay.. ok na ako". Habang naglalakad na sa kalsada, wala na akong ibang magawa kundi tawagan ang mama ko para salubungin na ako kasi nanginginig na talaga ako. Nung tanaw ko na siya, parang biglang bumaliktad ang sikmura ko at alam niyo na ang nangyari. Sobrang pait ng panlasa ko, ang lamig ng pawis at ang gusto ko na lang ay humiga...

Nitong mga nakaraang araw, nasobrahan ata ako sa kaiisip tungkol sa trabaho. Nararamdaman kong may mapait pero binalewala ko lang, kahit na alam kong bumabalik ang sakit ko nung nasa kabilang kumpanya pa ako (ung kompanya sa may Boni na nag iistart sa letter A.. heheh. Pero ano nga ba talaga itong tinatawag nilang GERD?, nung na diagnose nga ako nito hindi ko maintindihan eh..."anu un??" ang haba pa ng pangalan, "Gastro.. gastro... anu??". Ang naintindihan ko lang, pag lumala Ulcer ang katapat dahil sobra kung maglabas ng acid ang tiyan ng isang tao pag may ganun ka.

Ang mga symptoms niya ay Heartburn, mapait na panlasa, saka pagkahilo. Ayaw ko ng maramdaman 'to.. ang hirap..


Reference Link:
http://www.medicinenet.com/gastroesophageal_reflux_disease_gerd/article.htm

1 comment:

  1. "Once it begins, it usually is life-long." eeeek! ang hirap nga nyan.

    pagaling ka ne ^_^

    ReplyDelete

Followers