Sa dapit hapon ng kanyang buhay, wala na siyang ibang mahihiling pa...lahat ng kanyang mga anak ay nakapagtapos na. Tila ang mga pangarap na dati ay nasa panaginip lamang ay unti-unti na niyang nakukuha. Naranasan niyang maghirap at lumuha gabi-gabi sapagkat wala na siyang maihain sa hapag na kakainan nilang mag-anak. Sa halagang sampung piso, may mabibili ba? meron!! isang itlog na paghahatian ng kanyang dalawang anak sa loob ng isang araw. Sa kabilang banda, hindi na niya iniinda ang pagkalam ng sariling sikmura sapagkat ang masilayang masaya ang kanyang mga anak ay sagot na sa kanyang sariling kagutuman.
Hindi siya sumuko, tanging paglaban lamang ang kanyang ginawa buhat ng mawala ang kanyang kabiyak. Hindi na kailanman inisip na sumama sa iba upang may makasama lang sa buhay. Ipinaglaban niya ang lahat hanggang sa magbunga naman ang kanyang pagsisikap. Nairaos ang buhay at ang lahat ng pangarap ay unti-unting binuo, parang isang istorya sa pelikula na kung saan ang bida ay nagwagi sa lahat ng hamon na nadaanan.
Ngunit ang panahon ay lumilipas, sumasapit ang katandaan. Kaakibat ng tagumpay ay ang paghahanap ng landas ng kanyang mga anak patungo sa kanya kanya nilang buhay. Alam niyang mangyayari ito kaya't ngayon siya ay naghahanda sa pag-iisa, lumuluha na naman sa gabi, naghihintay at nag aabang sa pagdating ng kanyang mga supling.
Gamit ang kanyang malabong mga mata, tinitingan niya ang orasan. Ninanais na makatanggap ng kahit na anung mensahe mula sa kanyang mga anak, ngunit wala. Walang senyales na sila'y darating na..
Hanggang sa tumunog na ang gate at dali-dali siyang lumabas.. doon ay nakita niya ang dalawa niyang anak.
"Ma, nandito na po kami Happy Birthday!.. mahal na mahal ka namin, nandito lang kami para sa iyo, kailanman hinding-hindi kami mawawala."
Why did you click on this site?
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Sunday, September 19, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Labels
- 7 Kasalanan (1)
- Blog (1)
- Carolling (1)
- Christmas Tree (1)
- Facebook Shoutout (1)
- Ilocos Sur (1)
- Kamalasan (1)
- love is patient (1)
- media (1)
- Nuestra Senora De La Asuncion (1)
- Overtime (1)
- Pag Ibig (1)
- Pag-alaala (1)
- Parol (1)
- Pasko (1)
- Paskong Pilipino (1)
- Petiks (1)
- Quirino Grandstand (1)
- sensationalism (1)
- Serbisyo Publiko (1)
- Sta. Maria Church (1)
- Status (1)
- Team (1)
- Think before you Click (1)
- Traffic Jam (1)
- Ulan (1)
- Undas (1)
- Yumao (1)
- zombie (1)
Anlungkot nung umpisa kasi I'm sure maraming makakarelate... Pero buti masaya yung ending nito... Kadalasan kasi di ba, tuluyan nang nakakalimutan ng mga anak 'yung mga magulang nilang nagsakripisyo para sa kanila... =( Reality toh na pagdadaanan talaga ng lahat kasi talagang may maiiwan at maiiwan at maswerte ang nababalikan...
ReplyDeleteVery moving post...
i agree, hindi talaga natin miiwasan ang paglayo sa mga magulang natin pero ang mahalaga, dapat marunong tayong bumalik... hehe.. thanks for the comment :)
ReplyDelete