Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Friday, September 17, 2010

Ang labo...

"Para!!! Para! hoy!!!! Sinabi ng Para eh!! leche ang layo na!"

Alam niyo kung saan nagpapara?? sa stoplight lang naman o kaya sa bawal na lugar. Ang labo no? ganyan tayong mga Pilipino. Sa "No Smoking" sign, ayun andun! naghihithitan ng yosi, o kaya naman sa "No Loading and Unloading Area", andun ang mga Bus hindi magkamayaw sa pagtatawag ng mga pasahero ang mga kundoktor. "Cubao! Cubao! Cubao" sabi ng barker, ang pasahero naman "Cubao po???" ahahahaha, ang lalabo talaga kausap. Isang nakakatawang bagay na minsan nakakainit din ng ulo.. Walang kadisi-disiplina, "disiplina??? anu un???", parang ganun pa nga ata ang sasabihin sau pag tinanong mo kung ano ang disiplina eh.

isa pa, sa LRT.. "pababain lang po muna natin ang mga bababa, huwag po nating harangan ang pintuan".. paba..pababa.. wala na, nagtulakan na po cla mga kaibigan. Kung saan parang may giyera na sa LRT, bababa vs. sasakay, saan ka pupusta??

2 comments:

Followers