Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Tuesday, September 7, 2010

End of Chapter...

.. matapos ng naganap sa sinulat kong "Creepy Experience", naniwala na akong meron nga talagang kakaiba sa nangyayari. Hindi lang ako ang nakakita, pati rin ang bestfriend ko. Hindi ko nga alam kung malawak lang ba talaga ang imahinasyon naming dalawa, pero wala akong pinagsabihan ng mga nauna kong naramdaman kaya, imposibleng hinulaan lang niya yung kuwentong iyon para tumugma lang sa mga sinasabi ko.

May pagkakataon pa na ang isang dating Editor namin ay dumalaw sa opisina namin mga bandang mag aalas otso ulit ng gabi. Sabi niya huwag daw namin siyang iwan, tinanong namin, "bakit?".. ang sinagot lang niya "baka mamaya may makita na naman ako diyan! mga ganitong oras kung anu-ano ng lumalabas diyan.. eeeeehhhhh".. nagkatinginan n lang kami ng bestfriend ko dahil wala din kaming kinuwento sa ma'am namin na yun.

Ang pinaka weird pa ay hindi ako natakot, humantong pa na doon ako tumatambay sa 4th floor kung saan ko nakitang papunta yung puting imahe dati.. doon ako ngrereview mag-isa hanggang sa dumilim at wala akong nararamdamang takot, bagkus napakasolemn at peaceful pa sa pakiramdam.

Ngunit nag iba ang lahat ng isang gabing umuwi ako galing eskuwela.. habang naglalakad sa subdivision namin may kakaiba akong hangin na naramdaman. Malamig na parang tumatayo ang mga balahibo ko, hindi ko pinansin at nagpatuloy ako hanggang marating ko ang bahay. Kumain, natulog.. normal na gawain ang inatupag ko hanggang makatulog na ako. Kinaumagahan mga alas sais ng umaga, sinilip ako sa kuwarto ng Kuya ko na kararating pa lang galing sa panggabi niyang trabaho. Tinanong ko kung bakit, sabi niya wala raw matulog lang daw ako.

Nang magkasabay kami sa Tanghalian, ako at si Mama.di ko naiwasang magtanong.

"Kuya bakit mo ko tinitingnan kanina?"

Sa tanong na iyon, wala ng nagawa si kuya kundi magkuwento. Nag uusap daw sila ni Mama nung mga oras na yun..at sabay silang nagreact bigla sa isang pangyayari.. sabay na sabay dahil pareho nilang naramdaman. May dumaan sa gitna nilang dalawa na  hindi nila nakikita, pero alam nilang ang presensya ay tao, at yun ay papunta sa Kuwarto kung nasaan ako.

Kinuwento ko sa kanila lahat, at pinangaralan akong mundo ito ng mga buhay.. totoo sila pero hindi sila ang mga akala mong sila. Ginagamit lang sila kaya huwag na huwag kong tangkaing hanapin at i-entertain ang presensya nila, mas lalong huwag buksan ang sinasabing 3rd eye. Mula noon, may mangilan ngilan na lang na paramdam na hindi ko na rin naman pinapansin..

Mula noon, natutunan ko ang leksyon at hindi ko na rin pinapansin..

4 comments:

  1. eeehhhhhhhhhh....... bakit ko ba binasa toh... nakakatakot naman...

    ReplyDelete
  2. waaaaaaaaaaaaaaaaah ang tigas ng ulo ko. binasa ko pa kasi.

    kakarecover ko lang dun sa una eto na naman. ako na matatakutin :(

    ReplyDelete
  3. hahaha.. sinadya ko talagang wholesome ang title para mabasa siya..peace!!!! :)

    ReplyDelete

Followers