Nitong nakaraang araw habang nasa byahe ako, bigla kong natawa nung naalala ko yung text na natanggap ni Nicole Hyala sa Tambalang Balasubas at Balahura. Ito yung segment ng show na nagbibigay sila ng advice and it goes something like this, "ako po si (di ko na matandaan ang name eh! hehe), ako po ay isang BUTTERED WIFE".. hahahaha, minantikilyang misis ito teh!. Siyempre umulan ng pang-ookray galing kay Nicole lalo na nung in-spell niya yung butter na dapat sana ay BATTERED. Naisip ko tuloy yung mga katulad na mga pangayayari sa pang araw-araw kong pamumuhay. Sa opis, sa daan at kahit saan.. may mga salitang napaghahalo-halo o nabibigkas ng medyo lihis sa tama. Paunawa, ang lahat ng nakalista sa baba ay hango sa tunay na mga narinig ko...katuwaan lang walang bahid pang-aalipusta, pang-ookray? hmmm... baka..ahahaha
* sa email: "We are going round ENCIRCLES!" - nagagalit sa email, paikot-ikot daw kami...sabi ng IN CIRCLES, " ako dapat ang nandiyan!
*In furness - saan? sa aso o sa pusa?? ... pede ring bigkasing "In fairness"
* "Oldo" - kapatid ni Baldo, at malapit kay Although.
* Sa Phone: "all right, thank you boat!" - nagpapasalamat sa 2 taong kausap sa phone, so nagsasalita ang boat?
* "Over Juice" - Pag hindi pa nababayaran ang invoice, over juice! pineapple or mango? mamili ka..
* "Second Dyir" - pagkatapos ng First Tyir, Second Dyir.
* Sa Jeep sa may Edsa, Caloocan: "Pakibaba lang po ako sa Kanto T______", kuya, try mo naman Kanto po ng Tinio.
* "Laugh Top" - de-tiklop na kompyuter, laugh top.
* "Bambi Jumping" - extreme sports
* Efrin - pangalan ng kapatid ko, spells as Efren pero nang may naghanap sa phone "hello, anjan po ba si efrin?"
* the nerd!!!! - expression na may matinding galit, sabi ng nerve "oh ikaw na nerd!"
* sa classroom, teacher: sino pa ang di nagpapasa?, student: Sir! si Matthew Pa!!!!!
ahahahaha.. sorry naman, laugh trip lang.. ako na daw ang mapag-observe.. chiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii...........
No comments:
Post a Comment