Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Sunday, August 29, 2010

Badminton Naman Tayo!!

Kunwari Lang

Talagang nahawa na nga ako kay Enteng... hehehe.. hindi ko akalaing darating sa point na sobrang magugustuhan ko ang sports. Una, running, ngayon naman Badminton na super enjoy talagang laruin. Hindi kasi ako mahilig maglalalabas, mas gusto ko lang sa loob ng bahay tapos soundrtrip lang ng bongga o kaya basa lang ng libro. Nakakapagod kasi na buong linggo ka nagwowork tapos kapag dating ng Sabado o Linggo, gagala ka naman. Pero, subalit, Datapwat... naimpluwensyahan pa rin ako ni Enteng sa running kaya tinuloy tuloy ko na. Ang masaya nito, simula ng tumakbo kami parang hindi ko na masyado nararamdaman ang stress sa work ko. Naging masigla ako kahit na tumagal pa ko ng 14 hours sa opisina katatrabaho. Tama talaga, malaking bahagi ng magandang pangangatawan ng tao ang Exercise.. Healthy ka na.. pampasigla pa.

Hindi ako nakuntento sa running, kaya ngayon go naman ako sa Badminton. Sa totoo, bukod sa volleyball na una kong naging sports, nag eenjoy talaga ako sa Badminton. 

chiiiiiiiiiiiiii!! ^_^

Model ng Gatorade?
                

4 comments:

  1. si Enteng talaga o... lakas ng influence hahahaha!

    Anyhoo, I'm glad nag-eenjoy ka sa sports! :D sarap noh? :D

    ReplyDelete
  2. yup, sobra! sarap sa pakiramdam tumatagaktak pawis.. ^_^

    ReplyDelete
  3. eto yung moment na nilampaso ako sa badminton..hahaha

    ReplyDelete
  4. ahahahaha.. di naman, talaga to...dinaan mo nag ko sa tangkad eh.. ahahaha

    ReplyDelete

Followers