"Ate pengeng pagkain"...."Ate pengeng pagkain"..."Ate pengeng pagkain"..."Ate penge"..
Gabi-gabi nagmamadali ako papasok sa panggabi kong trabaho, gabi-gabi pala sa may MRT may musmos na nagmamadali ring makakuha ng atensyon at nagbabakasakaling kaawaan ng mga taong nagdadaan. Simpleng hiling lang...pagkain, pero napaka lalim ng sinasalamin na kahirapan at kabulukan ng sistema. Pagkaing hindi kayang maibigay ng kanyang mga magulang sa kanilang hapag..pagkaing paulit-ulit na uusalin ng kawawang musmos bago may magbigay..tila sariling bersyon ng rosaryo na paulit ulit na dinarasal, ang kaibahan lang..kung sa rosaryo, sa bawat bigkas may sumasagot..sa kanya? bawat bigkas? kaunti lamang o mangilan ngilan lang ang tumutugon.
Naalala ko tuloy ang ilang mga mayayaman at mga pinuno ng ating bansa, panay ang dasal sa loob ng simbahan..deboto ng ganito, deboto ng ganyan..nag-aral sa mga relihiyosong eskwelahan tulad ng ganito, tulad ng ganyan..at may mga tangan pang rosaryo upang manalangin sa Panginoong may kapal. Sila! na mga promotor ng mga batas na nakasira sa kabuhayan ng mga magulang ng mga batang nakikita ko sa kalye. Wala nga ba talaga silang awa o sadyang hindi lang nila alam ang kanilang ginagawa.
"Ate pengeng pagkain, di pa po ako kumakain"..Skyflakes lang ang kaya kong maibigay nung oras na yun.
Naisip ko na lang; Huwag kang mag-alala, mapalad ka dahil mas pinakikinggan ng Panginoon ang bersyon mo ng rosaryo kesa sa bersyon ng mapagkunwaring iilan.
Why did you click on this site?
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Labels
- 7 Kasalanan (1)
- Blog (1)
- Carolling (1)
- Christmas Tree (1)
- Facebook Shoutout (1)
- Ilocos Sur (1)
- Kamalasan (1)
- love is patient (1)
- media (1)
- Nuestra Senora De La Asuncion (1)
- Overtime (1)
- Pag Ibig (1)
- Pag-alaala (1)
- Parol (1)
- Pasko (1)
- Paskong Pilipino (1)
- Petiks (1)
- Quirino Grandstand (1)
- sensationalism (1)
- Serbisyo Publiko (1)
- Sta. Maria Church (1)
- Status (1)
- Team (1)
- Think before you Click (1)
- Traffic Jam (1)
- Ulan (1)
- Undas (1)
- Yumao (1)
- zombie (1)
No comments:
Post a Comment