Ipinaglihi nga ba ang mga Pilipino sa Reklamo? Nakapagtatakang parang iisa ang takbo ng utak nating lahat...hinaing at reklamo.Guilty din ako dito eh, madalas sa opisina sobra rin ako kung makapagreklamo. Ngunit, sa kabilang banda napagmunihan ko, may ginagawa ba tayo sa mga reklamo natin? o mismong may pagkukulang din sa bawat isa sa atin.
Ipasok natin ang malakihang larawan sa eksena.. ang Pilipinas. Marami ang naghihirap at kabilang sa tinatawag nilang "Third World Countries". Kung tutuusin, napakayaman ng ating bansa, lahat ng yamang kalikasan ay naipagkaloob sa atin, ngunit saan tayo nasadlak ngayon? Mistulang nasa isang kumunoy na mahirap takasan.
Siguro maiisip ng taong mkakabasa nito, "ano namang kuneksyon ng kahirapan natin sa mga reklamo?". Isang malaking tanong sa iyo, "alam mo ba kung bakit tayo naghihirap?", alam ba ng bawat isa sa atin ang puno't dulo ng nangyayari sa ating ito? malamang hindi... kung gayon, wala tayong karapatang magreklamo dahil hindi natin pinigilan na mangyari ito. Hindi ko rin naman masisisi ang sambayanan, sapagkat ikinulong nga sila sa matinding kamangmangan ng mga nasa posisyon. Ang kaginhawaang ipinangako sa kanila ay ang mga panandaliang solusyon na sa totoo lang ay nakakabulag din naman.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ay ang batas na nagkukubli bilang isang solusyon. Free Trade o Globalisasyon, na ang pangunahing layunin ay magkaroon ng patas na ugnayang pang ekonomiya ang bawat bansang kasapi ng Organisasyon. Malayang Kalakalan, sa totoo maganda ang layunin ngunit lahat ng agenda ay nababahiran ng kapalpakan kung mababahiran ng kasakiman. Ang pagiging patas ay hindi ata posible sa mundo natin, sapagkat ang maliliit ay natatapakan at ang malalaki ang nakakatapak. Malayang makakapasok ang mga produkto ng ibang bansa sa atin, ganun din ang produkto natin sa kanila. Ngunit mautak ang mga malalaking bansa, hindi nila kailanman papayagan na maghari ang mga produkto natin sa kanila sapagkat maaring maapektuhan ang kabuhayan ng mga mamamamayan nila, bagay na sa ating bansa ay ipinagwalang bahala lamang.
Higit na nakaranas ng bugbog ang industriya ng Manufacturing at Agrikultura. Natalo sa kumpetisyon ang mga lokal na mga pagawaan tulad ng pagawaan ng sapatos, telahan, at kung anu ano pang mga produktong nanggagaling sa ibang bansa..idagdag pa natin diyan ang talamak na smuggling. Ang ating mga magsasaka ay natatalo ng mga produktong inaangkat sa kung saan saan na karatig na bansa, na dati'y atin lamang tinuturuan ng mga metodolohiya sa pagsasaka. Ang bawat pangyayaring ito ay nagkaroon ng malubhang epekto sa ating ekonomiya. Sa pagbagsak ng mga Kumpanya, bumagsak ang hanapbuhay ng mga tao, bumagsak din ang Purchasing Power sa ating bansa... sira ang daloy. Kabit na kabit na ang epekto na hindi na kayang ipaliwanag pa, ito ang mukha ng Pilipinas na hindi natin napapansin.
Mistula tayon pipi at bulag sapagkat hindi natin alam ang nangyayari. Ito ay isang bagay na hindi nangyari sa ibang bansa, tingnan natin ang protestang naganap sa Seattle noong November 1999 laban sa pulong na mga Kinatawan ng WTO (World Trade Organization). Ang protesta ay hindi sa Konsepto ng Free Trade, ang galit ng mga tao ay nauukol sa hindi patas na labanan ng mga "Developing Countries" tulad natin, at ng mga "Developed" na.
Sa labang ito, tayo ang dehado. Nawa'y sa pagpasok ng bagong Administrasyon ay matugunan ang problemang ito. Palakasin ang Proteksyon sa kabuhayan ng ating sariling mga mamamayan . Tumulong tayo sa pag unlad, sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating mga sariling produkto. Paunawa, ang "backbone" ng ating ekonomiya ay ang manufacturing at agrikultura.. kaya't dito tayo kailangang mag pokus.
Huwag tayo puro reklamo, magsiyasat at tumulong tayo...para sa ikauunlad ng bansa.
Why did you click on this site?
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Labels
- 7 Kasalanan (1)
- Blog (1)
- Carolling (1)
- Christmas Tree (1)
- Facebook Shoutout (1)
- Ilocos Sur (1)
- Kamalasan (1)
- love is patient (1)
- media (1)
- Nuestra Senora De La Asuncion (1)
- Overtime (1)
- Pag Ibig (1)
- Pag-alaala (1)
- Parol (1)
- Pasko (1)
- Paskong Pilipino (1)
- Petiks (1)
- Quirino Grandstand (1)
- sensationalism (1)
- Serbisyo Publiko (1)
- Sta. Maria Church (1)
- Status (1)
- Team (1)
- Think before you Click (1)
- Traffic Jam (1)
- Ulan (1)
- Undas (1)
- Yumao (1)
- zombie (1)
No comments:
Post a Comment