Kung may Miss Independent na kanta, siguro dapat ng gawaan ang inyong lingkod ng sarili kong theme song... ito ay ang MISS URGENT. By the power vested in me 'ika nga, ako ang kaisa-isa at ang bukod tanging naiwan sa lahat ng mga ka-team ko sa work ngayon. Sa madaling salita, ang burden ng pagkakaalam sa buong process ay nasa akin na!!.. in fainess, stressful rin siya ha. Ako ay nagtatrabaho sa isang kumpanya sa Makati, siyempre secret lang ito, walang clue kung saan.. hehehe.. at ako ay nasa Accounts Payable Department (para sa mga accounting majors diyan, alam na alam niyo 'to). Ang mag process ng sandamakmak na invoices at makipag-usap sa mga vendors sa bansang itago na lang natin sa pangalan.. "Bloody", (dahil dinudugo na rin ako sa accent nila) ang aking work. Ok naman sana siya, kaya lang nagkataon lang na ang Team Lead ko ay nagresign, kasama ng tatlo ko pang kasama at ang isa naman ay nanganak (whew!)...So ano ang nangyari? may bago kaming lead (na matyagang sinalo ang lahat!), may bago akong kasama na nasa learning curve pa rin naman at may bago akong moment.. ..yun ay ang ma-stress sa dami ng URGENTS!!!!!!
1. Urgent kasi mapuputulan na sila ng kuryente.. check!!
2. Urgent kasi ma eescalate na kami sa kataas taasang, kagalang-galangang management.. check!!!
3. Urgent dahil mapuputol ang supply.. check!!!
4. Urgent dahil madedemanda na kami.. check!!!
5. Last but not the least, URGENT dahil gusto lang nila!! overdue na daw.. CHECK!!!!!
Hahaha, di naman ako bitter sa taas no? Hilong talilong lang.. sorry naman. To the point na gusto kong ihagis ang lahat ng monitors at CPU sa opis at mag-amok. Why not di ba? malamang kinabukasan wala na akong trabaho.. huwag naman ganun, UNLIKE, hehehehe. Haay, eto ang buhay ko, OT..mamroblema..at ang pinakagusto kong part ay ang maging mas mature pa. Imagine, at the age of 24 nararanasan ko na ang mga bagay na ito, what more pagdating ng 30? malamang hindi lang monitor at CPU ihagis ko sa opis.. lahat ng pwedeng ihagis ay ihahagis ko na...LOL.
On a brighter side, to tell you honestly, it's ok that I am experiencing this dilemma. A problem, an error or a trial is what making a person to become who he or she will be in the future. Hinuhulma lang tayo sa lahat ng mga bagay na darating na mas malulupit pa. I am just sharing this because I wanted to inspire all of you. Walang aayaw!!! laban lang ng laban hanggang sa huli. kasi pag hindi mo na kaya may ALAXAN IP-AR naman eh.. You know!! :)
ganyan talaga minsan.. kelangan maranasan ang pwersa ng kalikasan... este urgent/pressure..... ehehehehe... inhale.. exhale lang ang katapat nian.. Have a nice day!
ReplyDeletetama Shy! haay buhay nga naman..
ReplyDelete