Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Saturday, August 6, 2011

Dehado sa Sariling Lupa

Unequal Sign
May isang Caucasian na nagtanong sa isang ale, "Hi!, may I know the time now?". Ang ale, kahit hindi marunong mag-ingles ay hahanap pa ng paraan para maintindihan at masagot ang foreigner. Siyempre, minsan lang naman dumating sa buhay ng ale ang makakausap ng taga ibang bansa, bakit nga naman papalagpasin pa niya?

Ibahin natin ang sitwasyon, may isang lalaki (Pilipino) na nagtanong ng oras sa isang babaeng nagdaraan, "Miss, anong oras na?"... ang sagot?? isnab!. Bakit nga naman kakausapin ang lalaki? baka mamaya holdaper pa yun. Simple at totoong senaryo na nangyayari talaga dito sa atin hindi ba? Wala tayong tiwala sa kapwa natin Pilipino, at halos maglumuhod naman tayo sa harap ng kung sino-sinong mga foreigner na nakikisalapi sa ating bansa. Epekto nga ba ito ng Kolonyalismo sa mentalidad nating lahat? o hatid lang ng kaugaliang pagiging "hospitable" o mapagpatuloy lalo na sa mga ibang lahi?
Sa totoo, mahirap ipagkumapara ang dalawang kaugaliang nabanggit sa taas. Ang tanging alam ko lamang ay masyadong nakikita ang ating pagiging underdog sa halos lahat ng aspeto ng lipunan pagdating sa kaibahan ng "expat" at mga Pilipino. Sila ang laging pinapaburan, pinapakinggan, kinakatakutan, pinaniniwalaan at hinahangaan. Hindi dapat ganito ang mentalidad natin! "ito ay bansa ko, malaya kang magsalita pero mas malaya ako...wala kang karapatang abusuhin ako o ang mga kapwa ko Pilipino". Ngunit ang panahon ay nagbabago din, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong hindi na halos mga dayuhan ang nagpapahirap sa atin? Sa ganitong usapin ay may ebolusyon na nangyari.,kapwa Pilipino na rin ang ginagawang instrumento ng mga taga labas upang pahirapan ang mga Pilipino.

Sino ang pumipirma ng mga "treaties" o mga kasunduang panglabas? hindi ba mga lider natin?. Marahil may ideya sila sa epekto ng mga ito sa ating bansa, ngunit dahil sa tiwala at bilib nila (natin) sa mga dayuhan ay isinasantabi ng lahat ang mga negatibong bunga. Idadako ko ang aking pagtalakay sa isang halimbawa, bakit pag "expat" ang boss ay nagiging batas? untouchable nga kumbaga" hindi ito tuwirang masama, pabor ito sa lahat ng mga Pilipinong hawak niya.. Nakakalungkot mang isipin, mas nag-iisip pa nga ng ikabubuti ng mga Pilipino ang expat kumpara sa totoong mga Pilipinong namumuno. Sa kabilang banda, sa mga hawak ng mga Pilipinong boss, isa itong malaking sampal at tuwirang pagpapakita ng hindi pagkakapantay-pantay nating lahat sa sarili nating bansa. Nakadepende pa rin ba tayo sa kung ano ang ididikta ng mga dayuhan katulad noong panahon ng pananakop? Sa nabanggit kong sitwasyon sa taas, ang sagot ay oo.

Pero hindi ko lubusang masisisi ang mga expat na ito. Hawak nila halos lahat ang mga industriyang nagbibigay ng trabaho sa atin. Kahit na anong gawin nating paglaban at hindi pag sang-ayon ay wala tayong magagawa dahil sa Kapangyarihan ng kanilang investments dito sa Pinas. Kung mayroon lang sana tayong sariling mga industriya dito na maaring mapagtrabahuhan ay hindi natin kailangan lumuhod at sumunod sa kung anu ang naisin nila.

Ito ang katotohanang naghuhumiyaw sa mga pagmumukha natin. Tayo ay dehado sa sarili nating mga lupa kung ito ay papayagan natin, nasa sa atin naman ang desisyon .

No comments:

Post a Comment

Followers