Siguro alam na ninyo ang emosyon ko ngayon, malamang. Tama! malungkot ako, sa kadahilanang hindi ko din alam. Hindi naman ako baliw, pero hindi ko na lang alam kung ano ang main reason "why I'm feeling this way?". Malamang yata ay dahil sa nararamdaman ng aking ina, 64 yrs. old na nga pala siya kaya marami na ang nararamdaman. Siguro natatakot akong may masamang mangyari sa kanya, yun ang greatest fear ko at lahat naman tayo ay iyon ang kahinaan pagdating sa mga magulang. Nalulungkot ako kasi ayaw kong nakikitang nahihirapan ang nanay ko lalo na pag di mapigilan ang pag-ubo niya. Nakakadurog ng damdamin na makita siyang ganun. Kahit na pinatingnan na sa doktor, nandun pa rin yung takot kung ano ang nagyayari sa kanya.
Epekto pa rin siguro ito ng pagiging ulila ko sa ama. Nanay ko lang ang kinagisnan ko, kaya na-share ko lang itong nararamdaman ko sa mga mambabasa. Naiiyak, na medyo.. ewan..haaaayyyzzz....
Everything will be just so fine. Yun na lang nasasab ko sa sarili ko ngayon.
oist same tau ng feeling, ung mama ko nasa 61 na and I am so worried about her sobra, at naiiyak wuhhooo!!! let's just pray na lang.
ReplyDeleteoo nga joe.. ayaw ko na ganitong feeling.. haaaayyy!!! :(
ReplyDeleteuu ako din naintindihan kita, ganito pala talaga yung feeling kapag may magulang kang nasa edad 60 pataas, andun yung feeling na magwoworry, hope it's not!
ReplyDelete