Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Sunday, August 28, 2011

Sinong bestfriend mo doon?

Hello sa mga taong napadaan dito sa blog site kong ito, kung meron man.. may nagbabasa ba? . ahahaha. Walang pasok ngayon kasi linggo kaya eto nakakapagsulat ako ng bongga kahit na wala na akong masabing makakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay ninyong lahat. 

Ano ba ang topic ko ngayon? hmmmm parang gusto kong magsulat tungkol sa salitang "kaibigan". Maraming uri ng kaibigan, may bestfriend, close friend, friend, boyfriend, girlfriend at kung anu-ano pang klaseng "friend". Ang lahat ng mga ito ay tumutukoy sa pagtitiwala at pagmamahal sa taong hindi parte ng pamilya ngunit nagiging parte ng puso. Personally, marami akong kaibigan at mga kakilala pero kunti lang talaga ang sobrang pinagtitiwalaan ko ng lubos. Ako kasi yung tipo ng tao na kasundo ang lahat pero may certain circle of friends lang na nakakasama. Bakit? kasi yun yung mga taong napatunayan ko na ang naipamalas na malasakit at pagmamahal sa akin at vice versa.

Sa dinami-dami ng organisasayon, kumpanya at eskwelahan na napadpad ako, proud to say na may mga tao akong naging sanggang dikit kumbaga. Karamay ko sa hirap at ginhawa nung mga panahong kasama ko sila at handang saluhin ang lahat ng kalokohan ko sa katawan...kaya para sa mga taong ito.. salamat ng marami ^_^

1 comment:

  1. Interesting Mau.. Miss you mwah!

    ReplyDelete

Followers