Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Sunday, August 7, 2011

I'm so Taranta!




"Natataranta ako kapag _____________________ ". 


Lahat tayo ay may kanya-kanyang moment sa pagkataranta lalo na kapag pinapaulanan na tayo ng mga sunod-sunod na gawain hindi ba? Maglaba ka, Maglinis ka, Magluto ka, Mamlantsa ka, Magpakain ka ng aso at kung anu-ano pa.... So ano ang uunahin ko?? malamang ito ang nasa isip ng karamihan sa atin kapag medyo sumusobra na ang utos. Pero ang sagot dito sa tanong na ito ay nasa atin na, kailangan lang natin isipin ng mabuti ang dapat nating gawin. Una sa lahat, kailangan nating gumawa ng sarili nating programa, ang ibig kong sabihin ay ang outline ng kung anu-ano ang dapat gawin sa isang araw. Kailangang mag-stick tayo sa programang nagawa upang may matapos tayo na bagay. Kapag may pagkakataon na kailangan nating lumipat sa ibang gawain, siguraduhin lamang na natapos ang huling bagay na ginagawa upang hindi magkakapatong-patong ang hindi tapos na trabaho.

May mga pagkakataon din naman na magkakaroon ng mga "urgent" o yung mga gawaing nangangailangan ng agad-agarang atensyon. Maari nating iwanan ang huling bagay na ating natapos sa ating programa at saka na lamang balikan pagkatapos ng Urgent. Tapusin ang urgent na gawain at huwag na huwag lilipat sa isa pang urgent hangga't maaari upang hindi magkapatong ang binabantayan. Kapag hinayaan nating magkapatong-patong ang mga urgent ay isa lang ang mapupuntahan natin.. ang pagkataranta na kapatid ng pagka stress. Kahit na may taong nagbibigay ng pressure upang tapusin ang lahat ng urgents ay huwag na huwag papataranta. Sabihin ng maayos na tatapusin muna ang isa bago pumunta sa isa pa. Makakatulong ito upang tayo ay may matapos at upang makaramdam tayo ng pagiging "on top of the situation" kumbaga. Ugaliin ding huwag isipin ang bagay na hindi pa naman ginagawa at manatili lamang sa bagay na kasalukuyang ginagawa upang ang "presence of mind" ay hindi matabunan... "one step at a time"

Babala, hindi kailanman makakatulong ang pagkataranta sa kahit anumang aspeto hindi lang sa trabaho Nakakamatay pa nga ito kapag nai-apply sa mga sakuna katulad ng lindol, baha at sunog. Para sa akin, ang pagkataranta ay mahigpit na kaaway ng "presence of mind". Huwag nating hayaang lamunin tayo ng  pagkakamali o sakuna dahil lamang sa pagkataranta na maaari naman din nating maiwasan.

Nasa diskarte lang 'yan mga Tsong!!

No comments:

Post a Comment

Followers