Ako ay pansamantalang naglaho sa sirkulasyon ng blogspot, sapagkat ako ay nasa estado ng halu-halong emosyon na nagsimula kahapon.
|
Burahin ang masasamang Memorya
|
Naimbitahan ako sa Birthday at may halong pa-despedida na rin sa isa kong kabarkada sa BSU na si Rowie nung gabi ng Sabado. Kasama ko si Enteng na nagpunta sa 10th bar para mag-celebrate kasama ng mga pinakamamahal kong kaibigan na matagal ko ng hindi nakikita at lagi kong ini-injan sa lahat ng lakaran (loner??). Isang normal na kasayahan lamang ang nangyari; biruan, kuwentuhan, nanood ng mga nag perform at kung anu-ano pa. Natapos ang gabi at nagpasya na kaming maghiwa-hiwalay ng mga bandang alas dose hanggang ala una nun). Sumakay kaming anim (ako, enteng, viebz, whel, rowie at eric) ng jeep na byaheng pa-Malinta yata sa aking pagkakatanda sa may San Pablo, Malolos Bulacan. Nakapuwesto kami sa may malapit sa babaan ng jeep at may sumunod na mga sumakay na dalawang lalaki sa tabi ng driver. Sa may bandang Tabang, Guiguinto (sa Eurobake, para maging eksakto) may apat na lalaking sumakay na pumuwesto sa bandang likuran ng driver. Wala kaming hinagap na maaring mapanganib ang mga iyon sapagkat nagkakabiruan pa nga kami, taliwas sa nararamdaman ni Enteng... nakita na niya na may nakatago sa damit ng isa sa kanila. Marami na raw umiikot sa utak ni Enteng nang panahon na iyon ngunit biglang may 2 lalaki na sumabit pa sa jeep.
Matapos lamang ang ilang sandali, nagdeklara na ng holdap ang mga lalaking un. Sa totoo akala ko na out of balance lang ang isang lalaki kaya napatagilid, ngunit ng kinuha na niya ang gamit ni Whel, dun na ako natulala, take note!! natulala. Tinutukan na kami ng mga kutsilyo habang isa-isang hinahablot ang mga gamit nmin. Ilan na lamang sa mga eksena ang natatandaan ko:
Viebz: "ayaw ko po!" (nawala din cguro sa sarili c viebs kaya ayaw niyang ibigay ang mga gamit niya,pero nang lumaon ay ibinigay na rin niya, sabi nga namin.. "delikado ang ginawa mo viebz"
Whel: "Ibigay mo na Eric!!!!!" ( ang nakaktawa nito, lusot na sana si Eric!, di pa naman hinihingi gamit niya tapos pinabigay ni Whel... ahahahahaha!! joke!..
Enteng: "Sir, kahit ID lang po"
Halimaw: "anung ID.. P*#@&#ina ka!!!!" (sabay akmang pagsaksak sa kanya ng mahabang kutsilyo).
Ako naman ay natulala habang hinihila ng isang halimaw ang shoulder bag na naka-cross sa katawan ko. Dahil nga naka cross ang tali, nahirapan siyang tanggalin at nang umabot na sa may buhok ko, naharangan naman ng ponytail ang tali na lalo pang nagpahirap sa akin at para akong asong may kadena. Nang dahil sa pwersa, natanggal ang pony tail at tuluyan nilang nakuha ang mga gamit at bags naming lahat. (buti na lang hindi niya inakala na ayaw ko ibigay kundi tigok ang leeg ko!)
Bumaba ang mga lalaki, sabay sigaw ng "paandarin mo na!!!!!!". Pinaandar ng driver ang jeep ngunit medyo mabagal siya na lalo pang nagbigay ng takot sa akin at sa aming lahat dahil puwede pa silang humabol. Nang natapos na ang kumosyon, isinigaw ko ang takot at tumangis ng pagka lakas-lakas.. hanggang sa hindi ko na ata nakayanan, ako ay nawalan ng malay. Ayon sa kuwento nila, umiikot daw ang paningin ko nun at hindi na halos malaman kung may hininga pa. Hindi ko na matandaan ang nangyari, pero naririnig ko ang mga boses nila ngunit hindi ko magalaw ang katawan ko. "Mau!! Mau!!! gumising ka!!!! nauulinigan ko, kawawang mga kaibigan ko.. huhuhuhu.. nag-alala ng husto sa kalagayan ko.
Habang nagyayari ang lahat ng ito, nakita namin na may nakasunod na tricycle sa amin at ang malupit! sakay ang mga halimaw. Ngunit sabi nila, nawala rin ata, dahil pumasok sa isang kanto (hindi ko alam kung anu eksena masyado dito). Matapos nun ay nagising ako at nakita ko na may mga tao na, at ang sumunod na mga eksena ay sa Police Station na ng Guiguinto (na ang mga Pulis ay napaka efficient, joke!!! mga tulog ang mga tinamaan ng tooooooooooott!!). Nagkaroon ng pag ronda, una sa may Malis na pugad daw ng mga holdaper, kasama kami (Guiguinto rin) pero wala ring nakita. Nang walang lead, bumalik kami sa may tricykelan at doon ay napag alaman namin na sa Tabon (bandang Bulacan, Bulacan) nagpahatid ang mga Halimaw, (if I know! kasabwat din ang mga driver ng tricycles na nakausap namin). Nang ginaygay namin ang lugar, sobrang madilim at sobrang depressed ang itsura ng mga bahay, (naiisip namin habang tinitingnan namin ang mga barong-barong, isa sa mg bahay na ito... nakamasid ang mga halimaw..tumatawa dahil nakatakas sila.)
To make the story shorter, may pagka Intel Inside ang mga Pulis (Inutil) at walang nangyari kundi "BLOTTER"(normal na proseso, normal na dead end katapusan ng bawat pagrereport di ba? hindi na uso yung nahuhuli ang mga suspects?.
Naghiwa-hiwalay na kaming lahat, tangan ang isang bonding na kailanman ay hindi malilimutan. Umuwi muna kami ni enteng sa bahay nila sa Malolos upang magpakalma at saglit na magpahinga (alam kong sobra rin ang pagod at pag-aalala niya). Tinawagan niya ang Kuya ko para sabihin ang mga nangyari at gaya ng inaasahan kalmado si Kuya pero ramdam mo ang pag-aalala. Nagpasya si Kuya na huwag na munang sabihin sa Mama ko dahil may sakit sa puso, kaya lahat ng iyon ay hindi nalaman ni Mama habang wala ako.
Dumating ako ng bahay.. DUMATING AKO NG BAHAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! salamat GOD!!!!!!! SALAMAT!! buhay po kami!!.
Isang Traumatic na Gabi.. akala ko sa pelikula lang nagaganap, pero hindi pala. Sa ngayon, hindi na ako nakakaramdam ng kahit anu pa man (cge na nga, nkakaramdam ako ng takot, phobia pag nakakakita ng grupo ng mga lalaki). Pinipilit kong kalimutan at iniisip ko na lang mahalaga buhay ako....kami..
Isa pa, pinagtibay pa ng pangyayaring yun ang pundasyon ng relasyon naming magbabarkada at ang pundasyon ng relasyon namin ni Enteng.
Mahal na mahal ko sila!!!.. eh ano kung wala akong cellphone??? eh ano kung wala akong kahit ano??.. nandiyan naman sila at nakita ko rin ang mga taong nag-alala at may pakialam sa akin. Salamat sa inyong lahat!!
Eto na!!!! ang memories ng barkada!