Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Saturday, October 29, 2011

Another Paranormal Activity: Adik lang o Totoo?

....naganap bandang Abril ngayong taon

Madaling araw, tapos na ang aming shift at nanatili na lamang ako sa office para tapusin ang ilang trabaho sa overtime. Nakaramdam ako ng pagod kaya nagpasya akong pumunta sa powder room (CR) para mag retouch ng make-up. Pumasok ako doon at ako lamang mag-isa. Normal lang ang pakiramdam at nakatingin ako sa salamin dahil nagme make-up nga ako. Napansin kong nakabukas ang isang cubicle habang nakatingin ako sa salamin. Hindi ko naman binigyan ng lubos na pansin sapagka't wala namang hindi normal sa bukas na cubicle hindi ba?

Hanggang sa peripheral vision ko ay may imahe akong nakita na kulay brown na parang taong naglalakad mula sa pinto papunta sa nakabukas na cubicle. Tiningnan ko iyon pero wala namang tao, naisip ko tuloy na baka pagod lang ako. Sakto rin naman na pumasok ang isa kong kasamahan sa CR kaya pahapyaw kong naikwento ang nangyari. Hindi matatakutin ang kasamahan kong iyon kaya't kinumbinse niya ako na wala lamang iyon. Minsan ay nakakaramdam din naman talaga ako pero nung oras na iyon ay kakaiba ang aking pakiramdam.

Bumalik ako sa workstation na parang walang nangyari pero parang ang bigat ng ulo ko at ang lamig ng pakiramdam ko. Nagpatuloy ang pakiramdam na iyon ng mga ilang minuto, nakita ko pang nakatayo ang aking balahibo sa braso kaya't bigla akong pumikit at bumulong "lumayo ka! hindi ka kailangan dito" Matapos nun ay lumamig ang kanan kong tenga at narinig ko ang banayad na tawag na "Mau". Dumilat ako at agad na lumayo sa puwesto ko at ikinuwento sa aking mga kasamahan ang mga nangyari. Alam kong magdudulot ng takot iyon subali't yun lamang ang alam kong paraan para tantanan ako. Ginawa ko namang "light" ang pagkikwento sa kanila ngunit nang mga oras na iyon ay ramdam ko pa rin ang presensya.

Bumalik ako sa workstation ko at nagdasal sa isip ko. Hindi agad umalis ang presensya pero nilabanan ko na lamang iyon. Alam kong gawa ng mga di kagandahang elemento na pumupukaw lamang ng atensyon. Agad na rin akong umuwi matapos ng pangyayaring iyon at hindi ko na lamang binigyan ng tuwirang pansin ang lahat.


1 comment:

  1. Nakakarelate ako saiyo dito kasi ilang beses na rin akong naka-experience ng ganito. Ako iyong tao na hindi rin matatakutin at hindi ako naniniwala sa multo or anumang kababalaghan pero ng maka-experince ako nasabi ko sa sarili ko natotoo pala. Tama iyong ginawa mo pagpray mo na lang sila at kung maari pagsindi mo ng kandila. Siguro humihingi lang sila ng pansin or baka kasi hindi maganda iyong pagkamatay nila kaya hindi pa rin mapakali.

    ReplyDelete

Followers