May mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin mapigilan, katulad ng pamamaalam na sa totoo lang ay wala man lang kahit anong paalam. Ang corny ba ng topic? hehehe.. hindi naman siguro dahil sa bawat araw na nagdaraan ay may isang tao na nakakaranas masaktan dahil sa pag-ibig na hindi man lang naipadama. Sa tingin ko naman, kahit ikaw ay nakaranas na mang-iwan o maiwan ng taong mahal mo kahit sa isang punto ng buhay mo. Ang taong ito ay maaaring kasintahan na o isang taong mahalaga na hindi mo man nasabi kung gaano siya kahalaga sa buhay mo hanggang siya ay lumisan na. Isa lamang ang masasabi ko diyan, hindi masamang umiyak at ihagis ang kahit anong gusto mong ihagis (wag lang gamit na masyadong mahal ha!) dahil sa pagdadrama kahit na hindi ka starring sa isang telenobela. Normal iyan sa atin, tao lang eh! pero kaya nga naimbento ang salitang "move on". Ang piping pag-ibig ay malamang na may dahilan, dahilan na malalaman lamang natin kapag tayo ay magpapatuloy sa buhay natin.
Isang hapon ay naisulat ko ang kantang maririnig ninyo pag na "play" ninyo ang video sa ibaba. Inilagay ko ang aking sarili sa Mau noon, nung ako ang nakaranas ng mga bagay na nailahad ko sa taas. Masarap balikan ang sakit, pero hanggang alaala na lang lahat ng iyon. Nakita ko na ang dahilan kung bakit hindi ko nasabi ang aking nararamdaman at ito ay dahil sayang lang sapagkat ibang tao ang kailangan makarinig ng lahat ng iyon...at iyon ay walang iba kundi ang taong kasama ko ngayon sa hirap at ginhawa.
No comments:
Post a Comment