Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Saturday, September 10, 2011

Pinaghalo-Halong Shoutouts

Ang "status" sa Facebook ay hindi lang literal na STATUS - period!.. ito ay isang paraan ng pagpapahayag natin sa ating mga sarili. Masasabi ba nating status ito? "Nakakabwisit ka na!!!! Humanda ka sa akin mamaya!!", ito ay pagbabanta o paglalabas ng ating emosyon at hindi lang simpleng "status". Ang field na ito ng Facebook ay maaring maging pang-inggit (pag may pinopost ka na kayabangan), parang pagrereklamo sa Barangay Hall (Kapag binubuhos mo sa wall mo ang mga hinaing mo sa buhay kahit wala namang aayos), parang blind item, kung saan ay may pinapatungkulan tayo sa mensahe pero hindi natin kaya o maaring ibunyag ang pangalan (depende na lang kung malakas ang loob mo) at parang "BLOG", parang article sa haba ng gustong sabihin. Pero para saan nga ba talaga ang pag-update ng status? sa aking pananaw ito ay pamamaraan ng pagbibigay  "sana" ng ideya o impormasyon na makakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay ng ating kapwa na maaring makabasa nito. Ito ang dapat sana na nangyayari, pero aaminin ko.. guilty din ako sa  paggamit nito sa hindi tamang paraan. Ngayong dumating na nga sa punto na ang status ay hindi na lang simpleng status sa Facebook, tama lang ang campaign na "Think before you click!". Tayo na ang bahalang humusga sa ating mga shoutouts, dahil bandang huli ay tayo rin ang lubusang maaapektuhan ng mga pinagsususulat natin sa mga walls natin.

Tama????

Tama!!!!!....

At dahil diyan, tingnan ang aking mga shoutouts na mala-blog sa ibaba. Hahahaha, sabi sa inyo eh! Guilty din ako...

"bakit nga ba tayong mga Pilipino eh sobrang matakot o mahiya sa mga Pulis, Pulitiko at sa mga opisyal at empleyado ng Gobyerno? Halal yang mga yan ng mga taumbayan at ang mga pinagtatrabahuhan nila ay DAPAT lang na mabigay ng public service, hindi natin utang na loob yan kapag nagbigay ng pondo o nagpagawa ng tulay. Tayo ang boss at dapat alam nila yan.. kaya kapag may nagsungit sa inyong public officials at Government employees.gayahin ninyo c Tulfo!"
 "Let me share something,badtrip ako ngayong araw dahil sa halo-halong di kagandahang moments.Umuwi ako at sumakay sa taxi,nasabi ko sa taxi driver ang mga bagay na kinabadtripan ko ngayong araw,nang natapos ako magkwento, nakarinig ako ng mga pananalitang nagbukas ng isip ko at sobrang nagpagaan ng pakiramdam ko.Totoong "God is one of us".baka isang taxi driver, isang kasakay sa jeep, katrabaho,ang Diyos ay nasa sa ating lahat kaya maging mabait tayo sa ating kapwa kahit na sino at ano pa siya."

"Malaki ang posibilidad na itaas ang presyo ng pamasahe sa mrt at lrt dahil babawasan na ang subsidiya ng gobyerno. Kaya babawasan ay dahil sa NCR lang nagagamit ang mga naturang tren, so ang point ay di nakikinabang ang mga tga lalawigan...pero ang kinikita ng mga nagwowork sa NCR ay napupunta din sa mga probinsya..kung tataas ang pasahe mababawasan ang napapadala..try niyong mag-isip di ba?"

"Isa sa pinakamaling iisipin pag nasa pribadong kumpanya ka ay ito "ginawa ko naman lahat eh pero bakit parang hindi naman nila napapansin??" or "grabe naman sila! di na makatarungan to".. ang business, kailanman ay hindi top priority ang kapakanan ng mga tauhan, kundi ang kapakanan ng ikauunlad ng kita at kumpanya...basic.. sadly just for the sake of profit. Pa-kunswelo na lang kung maayos ang pamamalakad."


1 comment:

  1. that's why I don't like facebook and I have no facebook account, buti na lang

    ReplyDelete

Followers