....Naisulat noong panahon ng eleksyon.. pero ngayon? may nagbago ba?
Doon sa silangan pag-asa ang aking tangan
Pag-asang may tumayo at mag-aklas sa ating kapakanan,
Pinunong walang takot sa banta ng iilan
Handang tumayo upang tayo ay ipaglaban..
Ating gintong araw ba ay makakamtan?
Sa kanyang kamay ang mata’y hindi luhaan.
Kung saan ang ama at ina ay nasa tahanan
At ang anak ay hindi mangungulila sa kawalan.
Bayan ba’y ano ang kinahinatnan?
Dumudurog ng puso ang matinding kahirapan,
Nais lang ang sikmura nila’y magkalaman
At ang tanong sa pagkain bukas ay may kasagutan.
Si Bonifacio at Rizal, tuluyan ng natabunan
Ng anino at kaluluwa ng kasakiman..
Imulat ang mata sa darating na halalan,
Huwag hayaang prinsipyo ay matabunan.
Maureen Dagdag Tavita
09/05/2010 1:00am
No comments:
Post a Comment