"Halika! sabay tayong umakyat!" |
Isang gabi, galing ako sa opisina na para bang napaka bigat ng loob ko. May mga bagay akong hindi maintindihan sa mundo at sa mga ibang taong nakakasama ko. Ang dami kong tanong, bakit may mga taong plastic? bakit may mga taong mahilig gumawa ng ikakabadtrip ng mga kasama nila? bakit may mga ganung uri ng tao?.. Wala akong maisagot sa mga tanong ko, inisip ko na lang, siguro talagang ganun ang mundo. Hindi ba? ang bawat bagay ay may mga kabalintunaan? may kasalungat 'ika nga.
Ngunit hindi niyo ba napapansin? kadalasan sa mga ganitong uri ng tao ang pagiging maka-diyos kuno. Nagmumura sa kasambahay pero laman ng simbahan para mag novena. Ang labo no? maihahalintulad ito sa isang kuwento sa bibliya ng ama na nag-utos sa kanyang dalawang anak. Ang tugon ng isa ay negatibo "ayaw ko" pero nang makaalis ang ama ay dagli namang sinunod ang utos. Ang ikalawang anak ay tumugon ng "opo" ngunit hindi naman ginawa ang naturang utos. Walang iniwan sa mga taong simba ng simba at kung anu-anong uri ng pananampalataya ang ginagawa ngunit ang ipinapamalas na ugali ay labag sa nais ng Panginoon. Mayroon namang mga tao na hindi masydong nagpupunta sa simbahan para nagpapamalas ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.
Kung tutuusin mas matimbang ang pangalawang uri ng tao, sapagkat ang utos ng Panginoon ay mahalin ang kapwa. Balewala ang pananampalataya kung kabalintunaan naman ang tanging ginagawa. May mga drug lords at corrupt na pulitiko na laman ng simbahan pero wala palang pakialam sa kinahihinatnan ng sambayanan dahil sa kanila. Medyo radikal ako pagdating sa ganyang bagay,sapagkat para sa akin kung matuwid ka.. ipakita mo sa paggawa. Tumulong ka sa kapwa at magpakababa ka na katulad ng pagpapakababa ng Panginoong Hesukristo. WALANG KUWENTA ANG YAMAN at GALING kung may natatapakan kang mga tao sa paligid mo.
Isipin nating lahat ano ang ginawa ko sa kapwa ko, sa paligid at ibang nilalang ng Panginoon?... ano na ang iniwan kong "legacy" sa mundo.? Mayaman, maganda, tanyag ako o kung ano man ang katayuan ko sa buhay... may naging silbi na ba ako sa mga kasama ko at sa mga ibang tao?
Lahat tayo, kasama na ako... sino ang tutularan natin? yung una o pangalawang anak?. Huwag nating tularan parehas, tayo ang dapat na maging pangatlong anak.. Oo sa utos at oo sa gawa! magdasal at magpuri sa kanya sa simbahan o sambahan AT gumawa ng tama sa kapwa.
No comments:
Post a Comment