Ang mga Pilipino ay mahilig talaga sa fishball... kasi mahilig din tayo sa sawsawan. Bakit ko nasabi? Willie Revillame vs. Contractualization, magtanong ka tungkol kay Willie malamang lahat may komento. Sa kabilang banda, magtanong ka tungkol sa Contractualization na apektado ang kabuhayan ng mga tao dito sa atin, nakakalungkot man sabihin pero karamihan ay hindi alam ang konsepto. Nabubuhay tayo sa isang teleserye, na pinangungunahan ng lipunan, media at ang tema ay pagpapanggap. Eto ang lipunang meron tayo, nakapiring at pati ang tenga ay may takip. Natatabunan ang mga mahahalagang isyu ng mga usaping hindi na dapat pinalalaki. Hindi ko masisisi tayong mga taumbayan sapagkat paglabas natin sa kanto yun ang naririnig natin mula sa tumpok ng mga chismoso't chismosa na may mga dala-dala pang mga anak. Yan din ang Pangunahing Lathalain sa karamihan ng mga dyaryo, maliban sa mga artikulong may pamagat na tulad ng "Nene, inutas ng sariling Ama".
Naging ganito na tayo, hindi ko alam kung bakit nagkaganito pero ganito na talaga tayo. Ang pagsawsaw sa buhay ng mga artista at sa kung anu-ano pang usapin ang minamaster nating lahat. Indikasyon ito na kulang ang tamang edukasyon nating lahat at malawak ang epidemya ng kawalang kaalaman. Panandalian nating nakakalimutan ang hirap sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga buhay-buhay ng mga artista at sa panonood ng mga panandaliang Headlines. Opinyon ko lamang na hindi dapat maging paksa ng debate si Willie, dahil siya ay hindi mahalagang parte ng pang araw-araw nating pamumuhay. Hindi sa kinakampihan ko si Willie dahil wala naman akong relasyon sa kanya, pero naisip ko lang.. kaya may sumasali sa mga game shows at may inaakusahan tuloy silang nang exploit ay dahil saan?? sa Kahirapan...
Kahirapan na sanhi ng mga Paksang ni hindi natin alam at malimit lamang na mapag-usapan. Sa totoo, marami pa nga ang walang tiyagang alamin ang mga ito.Pasalamat talaga ang mga pulitiko dito kasi...ganito tayo! Tara sino naman ang next na pwede mapag usapan??.. aaaaahhhh.. alam ko na!! yung nagsulat ng blog na to! OA naman para napag-usapan lang eh ang dami ng sinabi... oh ikaw na!
ahahahahahaha!!
No comments:
Post a Comment