|
Marinduque |
Marahil isa na ako sa pinakamahirap na ayain sa mga lakaran at alam na alam ko yun, sapagkat sa totoo lang mas gusto ko pang maging laman ng bahay kaysa lumabas at gumala sa mga panahong wala akong pasok. Siguro dahil na rin sa pagod sa biyahe araw-araw at sa pagiging isang certified KJ ko na rin (hahahaha, proud to be). Ngunit, nang maimbitahan ng isa kong matalik na kaibigan sa opisina na ma-experience ang kanyang Hometown ay hindi na ako nag atubiling sumama. Ito ay sa kadahilanang gusto ko talagang makarating sa isang isla at makaranas ng kahit saglit na katahimikan kasama nila. Hindi ko alam kung ano ang i-eexpect nung mga panahon na yun, basta ang alam ko hindi siya commercialized na pasyalang pang- summer na palasak na sa tenga ko. Marinduque ang destinasyon namin, tinuturing na puso ng Pinas dahil isa siyang isla sa puso ng Pilipinas. Sisimulan ko na ang kuwento ko:
March 25 - Madaling araw ng lumabas kami ni Rose, Marj at Janus sa Opisina namin. Sa taxi pa lang maingay na kami at sobra na sa daldalan papunta kila Marj sa Quezon City. Pagdating sa bahay nila ay hindi na kami natulog at hinintay na lang ang pagdating ng 5am para makalarga na kami papuntang JAC Liner sa Kamuning. Mga bandang alas sais na yata kami nakarating sa terminal at inabutan pa kami ng rush hour dun (my gulay). Obviously mga bangag na talaga kami nung mga panahong yun kaya natulog na lang kami.sa bus. Pagdating sa Pier sa may Lucena, hala! para na kaming nakawala sa kural at infairness ang lakas ng hangin galing sa dagat ha..super like! kasi noon pa lang ako makakasakay sa RORO (poor me)
|
RORO Papuntang M'duque |
Nakasakay kami sa RORO ng mga bandang 11:30 na ng magtatanghali at nakadaong kami sa Marinduque ng mga bandang alas tres ng hapon. Sinundo kami ng Tita ni Marj
(Si Tita Patty) at may bonus pang pagpasyal sa Monasteryo ng St. Claire at Simbahan ng Boac.
|
St. Claire Monastery |
|
Boac Church |
Dumiretso na kami sa bahay nila Marj pagtapos naming pumunta sa mga lugar na yun. Unang bugso pa lang ng gala pero sobrang masaya na. Lagyan pa natin ng masusing panginginain sa bahay nila Marj (ang sasarap ng food!!! courtesy of Marj's family...kaya nga nadurog ang diet ko.. huhuhu). Nagpalipas kami ng gabi sa resort na nirentahan namin at siyempre kulitan na naman. :)
March 26 - Mula sa bahay nila Marj, sinundo kami ng jeep na magdadala sa amin sa port na papuntang Maniuaya Island naman. Doon ko lang naman hinarap ang takot ko sa tubig, isang karanasang hindi ko malilimutan. Mahaba ang byahe namin papuntang island, gawa na rin siguro ng pagiging salungat namin sa alon nung papunta pa lamang kami. Malapit na kami sa destinasyon namin nang sa isang iglap ay dumilim ang langit na parang uulan at humampas na sa amin ang napakalalakas na alon. Natakot ako talaga noon, kasi sabi nga ni Rose ang itim na ng tubig kapag tumingin ka sa ilalim namin tanda na malalim na ang banda dun. Ang malupit pa nito, kinailangan naming lumayo sa isla para hindi kami maihampas ng alon at napapunta kami sa kalagitnaan ng dagat. Naaalala ko pa yung hampas ng napakalaking alon sa gilid ng bangka namin na parang kahit na anong oras pwede kaming itaob. Sa awa ng Diyos, nairaos naman ng bangkero namin ang lahat at hindi na kami tumuloy sa lugar na pupuntahan sana namin. (sayang!) Sinasabing napaka puti daw ng buhangin dun pero malakas na kasi ang alon kaya no way na pupunta pa kami (katakot!). Bagkus, dumaong na lang kami sa isang part dun kung saan dun na rin kami kumain at nagpalipas ng tanghali. Siyempre kasama doon ang kuwentuhan sa nangyari na naging one of a kind adventure ng buhay ko (at least sakin ha! kasi takot talaga ako sa malalim na dagat).
|
Maniuaya Island |
Ayun na nga! at katulad ng ibang beaches sa Pilipinas.. napakaganda ng paligid. Akala mo wala kaming pinagdaanang kaba sa puso kani-kanina lang ng dumaong kami dun sa pampang ng Maniuaya. Pictorial ang drama namin dun.. walang humpay na picture-picture. Mga bandang ala una ng hapon umalis na rin kami dahil pag sumapit na ang hapon, lalakas na ang alon dun at malamang ayaw na namin maranasan ang kaba ulit di ba? In fairness, nalungkot ako nung paalis na sa isla..tumatak sa isip ko, "napaka misteryosa mo..kalmado, tahimik at maganda sa pakiramdam sa pampang.. pero mahirap, maalon at nakakakaba ang pagpunta sa iyo".
Matapos sa isla ay dumiretso na kami sa isang resort sa mainland Marinduque kung saan ay tanaw ang Mt. Malindig. Doon na kami nanatili hanggang dapit-hapon.
|
Mt. Malindig |
Halos naikot na rin namin ang buong Marinduque dahil maliit lang din ang isla. Meron ding tinatawag na "Bellaroca" na maihahambing sa Santorini sa Greece pero mahal ang bayad, hindi kayang puntahan..sana balang araw makapunta din. :). Natapos ang araw namin na halo-halo ang naranasan namin. Ika nga ni Janus, "parang ang tagal na natin dito" at sang-ayon ako dun. Parang ang tagal na namin dun, napakasaya pero siyempre may katapusan din ang bawat bakasyon dahil kinaumagahan ay uwian moment na.haaaayyyz!
March 27 - Uwian moment na!!!! namili muna kami ng pasalubong sa bayan at picture-picture na naman as usual. Ang sarap talaga sa pakiramdam na makatapak ka sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan. Pakiramdam ko ay napakalaya ko, walang katulad!. yun yung dahilan ng pagsama ko ang makaramdam ng kapayapaan.. walang gulo.. walang kahit na anong mgpapa stress sa akin kasama ng mga pinagkakatiwalaang mga kaibigan ko. Ganap na alas dose ng tanghali nang magpaalam kami sa Pampang ng Marinduque, sobrang nakakahilo ang biyahe pero ok lang kasi pauwi naman na.
Actually sa blog na ito, hindi ko na isinama ang mga bloopers namin nun pero sobrang dami talaga. Kinakabagan na nga kami sa katatawa dahil sa mga punchline ng isa't isa. Si Marj, medyo may kaguluhan kausap...si Rose???? malamang si Rose na sobrang on-time sa lahat ng lakad, ahahaha! Si Janus na minsan lang babanat pero malupit din yan at AKO na promotor ng kalokohan.. eh ayun na nga! nagulo namin ang Marinduque nang hindi sinasadya.. Until next time!!!!
Acknowledgment:
Cabrera Family
Tita Patty and Family
Ate Faye at Nadia
Bangkero at Driver namin (hindi ko nakuha pangalan)
At sa lahat ng mga nagpadali ng tour namin dun.. Maraming Salamat!!!! <>
*Maniuaya and Malindig photos were not owned by me but was taken from Google Image and the first part was from Wikipedia*