Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Monday, July 25, 2011

Ano Para sa akin ang SONA?

"Ate ate, alam niyo ba ang SONA?"


"Ay wala akong alam diyan! wala naman ako mapapala sa lahat ng mga sasabihin diyan eh. Mabuti kung makakain ko yan. Ganito kami dati hanggang huli ganyan pa rin kami!!!"

O, ikaw na ang walang alam ate! Ang bayan ni Juan, ang bayan ba ng mga walang alam? o pinahitik din sa kamangmangan ng mga nasa posisyon. Hindi ko masisisi ang ilan sa ating mga ate at kuya kung bakit ganito ang nasa isip. Isinasalamin lang nito ang ating hindi pagiging maalam sa ating sitwasyong pampulitikal at pang ekonomiya. Kung ako nga naman nitong hindi pa kumakain at hindi alam kung saan maghahagilap ng maipanglalaman sa tiyan ng aking pamilya, bakit ko nga ba iintindihin ang SONA...


State of the Nation Address, pinaikli lamang kaya naging SONA. Ito ang taunang pag-uulat ng ating Pangulo tungkol sa kalagayan ng ating bansa (sa madaling salita ay pagbibida ng mga nagawa na masasabi kong DAPAT LANG!!!). Minsan parang nagiging mala-concert na rin ang dating dahil puro palakpak na lamang ang ating maririnig kahit wala ng sense ang sinasabi. Nakakatawa na nakakaiyak ang biruan sa mga karinderya tuwing may SONA, "Nakakailang palakpak na ba????" sabi ng mga tambay habang tumatawa dahil tuwang tuwa sila sa tanong na iyon. Nakakatawa dahil only in the Philippines ang mga banat na ganun, ngunit sa kabilang banda nakakaiyak dahil imbes na "ano na daw ba ang sitwasyon natin?" ang nais malaman ay ang bilang ng palakpak pa ang inintindi.

Buti na nga lang sa wikang Filipino naiusal ang ating SONA ngayon. Hindi kasi kaaya-ayang pakinggan kung wikang Ingles ang ginamit. Hindi ulat para sa mga taga ibang bansa ang ginagawa kaya dapat ay kahit na si aling Bebang na hindi nakatungtong ng Grade 2 ay maiintindihan. Ito ay kinakapalooban ng ulat na higit na nakakaapekto sa kapus palad na sektor ng ating bayan. Dapat nating maintindihan na ang pakikinig dito ay hindi lamang dahil kailangan nating makinig o sumang-ayon. Ito ang plano at kasalakuyang aksyon ng Gobyerno laban sa kahirapan, kawalan ng trabaho at paninikil sa ating karapatang mabuhay ng payapa at masagana.

Ang pagsuri sa bawat salita at aksyon ay magbigay dapat sa atin ng kagustuhang makialam at tumulong sa Gobyerno para makamit ang inaasam. Ngunit ito ay isang pangarap lamang, bakit ko nasabi? Ultimo ang mga nakatapos na sa pag-aaral at mga itinuturing na propesyunal ay nagpapalaganap ng katangahan sa pamamagitan ng mga sagot na ganito..."wala namang nagbago"

Sir, Ma'am.. ano po ang paraan ninyo upang may magbago?

No comments:

Post a Comment

Followers