Pasko na naman sa Pinas! At masaya na naman ang pakiramdam dahil nakikita ko na naman ang mga bagay na minsan sa loob lang ng isang taon ko nakikita. Katulad na lamang nito ang mga Christmas Tree at parol na sumisimbolo sa kapistahang ito ng Kapanganakan ni Hesukristo ng ginugunita natin. Ano nga ba ang kaibahan ng Pasko dito sa Pilipinas sa Pasko sa ibang bansa? Malamang ang maiisip ninyo ay ang tagal ng selebrasyon hindi ba? minsan ay naiisip ko na nga rin na “teka parang OA na ha” hahaha. Pero katulad nga ng lagi nating sinasabi pag may nampupuna sa atin “kanya-kanyang trip lang ‘yan! Walang basagan!”
Ang himig ng pasko ay nagsisimula sa atin pagtapos na pagtapos ng Undas. Makakarinig na tayo ng mga kantang pampasko at makakakita na tayo ng mga mangilan-ngilan na palamuti sa mga bahay at establisyemento. Ito ang kaibahan ng paskong Pilipino na tiyak kong mamimiss ko kung sakali mang mangibang bansa ako. Sino ang hindi nakakaalam ng puto bumbong, simbang gabi, carolling ng mga bata sa kalye na iba-iba iba naman ang letra ng mga kinakanta.. hahaha. wala ng makakahigit sa saya at pakiramdam ng Pasko sa Pinas.
Akin itong inilahad upang bigyan ng inspirasyon ang ating mga kababayan sa ibang bansa na balang araw ay dito na sila magpapasko. Iba pa rin ang pasko sa Pilipinas, pero dahil nga sa hirap ng buhay ngayon mga kapatid…wala ng hihigit pa sa sakripisyong ginagawa ninyo upang mas lalo pang maging maganda ang pasko ng inyong mga kama-anak dito sa Pilipinas. “Toast” para sa inyong lahat na mga nandiyan sa ibang bansa na magpapasko ngayon.
Para naman sa mga naiwang kapamilya dito sa Pilipinas, nandiyan ang Facebook, YM, at Skype… kumunekta na kayo sa espesyal na araw na ito. Iparamdam ninyo ang ligaya ng pasko sa ating mga mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Kahit gaano kahaba ang preparasyon natin sa darating na pasko, walang hihigit sa kahit na saglit na minuto o oras na pakikipag-usap natin sa nawalay na mahal sa buhay.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.
Evening walk to meet friends and share a smile for you....Happy day.
ReplyDeletekahit gaano kahirap ang buhay dito sa Pinas, masaya pa rin pag Pasko.. :)
ReplyDeleteho ho ho-ing you back...Meri Xmas
ReplyDeletei went to orpahnage this morning...nakakalungkot naman...good thing i was with a group with lots of goodies.
Hugs!! :)
ReplyDeleteHELLO MAU,CAN WE XCHNGE LNX?PLS ADD ME & LET ME KNOW.
ReplyDeletehttp://www.jetsetconnections.com
http://www.justcommerce.blogspot.com GOD BLESS & THANKS ! JIA
iba rin talaga ang pasko dyan sa atin.. masaya talaga.. nakakamiss..
ReplyDelete