Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Saturday, December 31, 2011

Sa Pagpasok ng 2012


Maraming mga bagay ang nangyari sa akin nitong nakaraang taon lalo na sa aspeto ng trabaho. Marahil ay masasabi kong kahit paano ay nag Mature ako in the sense na alam ko na ngayon na kaya kong dumiskarte at tumayo sa sarili kong paa. Sa aspeto naman ng pamilya at pribadong buhay, masasabi ko naman na naging ok ito at sobrang ipinagpapasalamat ko iyon sa maykapal kasama na rin ng lahat ng biyayang ipinagkaloob niya sa amin. Sinabi ko sa sarili ko noong pagpasok ng 2011, kahit ano ang mangyari!! Kaya ko ito at kailangan kong kayanin dahil tiwala ako sa kanya at sa akin.

May mga taong nawala at dumating at sa kabilang banda naman ay may mga taong nanatili sa akin nitong 2011. Gusto kong ipabatid ang aking lubos na pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng aking buhay at nagsilbing suporta sa aking paglalakbay nitong nakaraang taon. Binigyan nila ako ng lakas at pag-asa one way or another. Para naman sa mga naging kontrabida sa buhay ko? Hehe,  Ako ay lubos ding nagpapasalamat sapagkat dahil sa inyo ay nasubok ang tatag ko at ang pasensya sa mga sitwasyon. Aking sasabihing, wala akong pinagsisisihan sa lahat ng mga desisyong aking ginawa at akin pa itong ipinagyayaman  sa ngayon. Si mau ay naging bagong mau dahil na rin sa mga desisyong ito. Dahil diyan? I am proud of myself! Oha!! Gumaganun?? Heheheheh.

Katulad ng aming panalangin kaninang madaling araw, sana’y bigyan pa ang aming pamilya ng tatag at pagpapala upang maibahagi rin namin ang kung ano ang meron kami sa mga nangangailangan. Wala ng mas hihigit pa sa kayamanang pisikal kundi ang kayamanang galing sa puso, agree ba? AT!!!! Sana’y mailayo kami sa mga sakit at masasamang elemento (sana po). 

Sa pagpasok ng 2012, marami na naman ang mga maglalabasang hula at mga prediksyon na mangyayari. Pero normal naman un eh na meron talagang mga mangyayari kahit na hindi pa hulaan.  Tayo ay dapat na tumingin sa positibong bahagi ng lahat at hindi sa negatibo. Hindi ko sasabihing pagiging epokrito ang pagpilit na isaloob ang positibo, bagkus kailangan kasi nating gawin iyon upang maganda ang enerhiya na papasok sa ating sistema pag ginawa at inisip natin yun.

Heto na! 2012 na.. good luck sa ating lahat! Ako ay patuloy pa ring magsusulat. Magsusulat at magsusulat dahil ang pagsusulat ang isa sa aking pinakamamahal na gawain. Happy New Year mga repapeepz!! Pagbati mula sa aking trap.. patuloy lang na ma-trap dito ha…SALAMAT!!!

Saturday, December 17, 2011

Paskong Pilipino (alay sa mga OFWs)


Pasko na naman sa Pinas! At masaya na naman ang pakiramdam dahil nakikita ko na naman ang mga bagay na minsan sa loob lang ng isang taon ko nakikita. Katulad na lamang nito ang mga Christmas Tree at parol na sumisimbolo sa kapistahang ito ng Kapanganakan ni Hesukristo ng ginugunita natin. Ano nga ba ang kaibahan ng Pasko dito sa Pilipinas sa Pasko sa ibang bansa? Malamang ang maiisip ninyo ay ang tagal ng selebrasyon hindi ba? minsan ay naiisip ko na nga rin na “teka parang OA na ha” hahaha. Pero katulad nga ng lagi nating sinasabi pag may nampupuna sa atin “kanya-kanyang trip lang ‘yan! Walang basagan!”

Ang himig ng pasko ay nagsisimula sa atin pagtapos na pagtapos ng Undas. Makakarinig na tayo ng mga kantang pampasko at makakakita na tayo ng mga mangilan-ngilan na palamuti sa mga bahay at establisyemento. Ito ang kaibahan ng paskong Pilipino na tiyak kong mamimiss ko kung sakali mang mangibang bansa ako. Sino ang hindi nakakaalam ng puto bumbong, simbang gabi, carolling ng mga bata sa kalye na iba-iba iba naman ang letra ng mga kinakanta.. hahaha. wala ng makakahigit sa saya at pakiramdam ng Pasko sa Pinas.
Akin itong inilahad upang bigyan ng inspirasyon ang ating mga kababayan sa ibang bansa na balang araw ay dito na sila magpapasko. Iba pa rin ang pasko sa Pilipinas, pero dahil nga sa hirap ng buhay ngayon mga kapatid…wala ng hihigit pa sa sakripisyong ginagawa ninyo upang mas lalo pang maging maganda ang pasko ng inyong mga kama-anak dito sa Pilipinas. “Toast” para sa inyong lahat na mga nandiyan sa ibang bansa na magpapasko ngayon.

Para naman sa mga naiwang kapamilya dito sa Pilipinas, nandiyan ang Facebook, YM, at Skype… kumunekta na kayo sa espesyal na araw na ito. Iparamdam ninyo ang ligaya ng pasko sa ating mga mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa.  Kahit gaano kahaba ang preparasyon natin sa darating na pasko, walang hihigit sa kahit na saglit na minuto o oras na pakikipag-usap natin sa nawalay na mahal sa buhay.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

Saturday, December 10, 2011

Ang Pag-Ibig ay “Choice”


Ang pag-ibig ay isang pakiramdam na sobrang hirap ipaliwanag at marami ang maaring ipakahulugan base sa taong nakadarama. Maraming uri ng pag-ibig na iba-iba ang pinatutungkulan at lahat ng ito ay sinasalamin ang isang regalo na ipinagkaloob ng Panginoon, ang makadama ng pagmamahal. Maaring pagmamahal sa pamilya, kaibigan, kalikasan at sa espesyal na taong darating sa ating buhay.  Ngunit sa mga nasaad, minsan hindi natin namamalayan na ang napakagandang bagay na ito ay nagiging masama na dahil sa pakahulugan na ibinibigay natin dito. Nandiyang may nakakapatay dahil dito, may nakikipag-away, may nagpapakatanga at may nagiging obsess.  Marahil sa paglipas ng panahon ay sobrang nagiging kumplikado ng mga bagay pagdating sa Pag-Ibig na laging may kaakibat na sakit o saya.

Para sa akin, ang pag ibig ay isang “choice” at sa ingles ay masasabi ko ngang commitment na dapat na natin tanggapin lalo na sa aspeto ng pag-asawa. Kapag pumasok ka na diyan, ito ay hudyat ng isang buhay na kasama ang taong napili mo. Kaya nga tayo may estado ng pagpili para habang nandun tayo sa sitwasyong iyon ay matutunan nating pag-aralan ang lahat ng mga bagay sa taong minahal natin.  Sapagkat’t pag naitali ka na sa kanya ay ang susunod na kailangang gawin ay tanggapin ang mga pagkakaiba na meron kayong dalawa.  Iyan ang ideal na dapat mangyari upang maiwasan sana ang hiwalayan na kalimitang nangyayari sa atin ngayon. Ang kasala ay dapat na nirerespeto katulad ng pagrespeto mo sa Panginoon natin dahil ito ay isang pangakong binitiwan sa harap niya. Marahil kung hindi pa kasal, maari pang gawin ang mga bagay na naisin na gawin, pero kung nakatali na? Hindi na natin kailanman puwedeng sirain iyon lalo na kung gawa lang din ng tao ang pagkasira (alam kong alam niyo ang ibig kong sabihin).

Subalit, oo! Alam ko ang mga nasa isip ninyo. May mga pagkakataong hindi ko puwedeng husgahan ang ilan dahil marahil ay may napakabigat na dahilan. Sa mga pagkakataong iyon, bahala na siguro tayong mag tancha ng mga bagay-bagay ngunit bandang huli dapat ay uuwi pa rin ang puso at isip sa taong pinili mong mahalin habambuhay kasama ng mga supling na naghihitay sa iyong pagdating. Sana’y kung magagawaan pa ng paraan ay gawin natin para sa pamilya at sa mga anak. Nakakalungkot lang kasi na minsan nakakarinig ako ng mga katagang “nagiging losyang na kasi siya kaya parang nawala na ang gana at pagmamahal ko sa kanya”.  Hindi ito dahilan, dahil kasabay ng pagsasabi mo ng “oo” sa altar ay ang pagtanggap mo nga sa lahat ng mga magiging kahinatnan.  Hindi rin tamang gamitin ito ng mga tinatawag na pangatlong partido para i-justify ang pakiki-apid sapagkat nang nagsimulang nagmahalan ang dalawang taong iyan ay wala ka naman sa eksena.

Love is a choice and you have to stick with it, hindi siya joke na dahil lang sa tawag ng laman. Ito ay masasabi kong bokasyon na kailangan nating paghusayan at alagaan habambuhay. Naniniwala ako na pagdating ng pagtanda ng mga mag-asawa, mas lamang na ang pagkakaibigan kesa kahit anu pa man. May mga pagkakataon na unti-unting mawawala ang alab ng pag-ibig pero sa kabilang banda ay tumatatag ang pagkakaibigan ng dalawang pusong pnagtagpo ng pagkakataon, companionship na hanggang sa huli tayo ang magkahawak ang kamay at walang bibitaw. Para tapusin ang aking naisulat, iiwan ko ang quote sa ibaba…sana’y isapuso natin ang kahulugan ng pag-Ibig. Tayo ay may kanya-kanyang opinyon ukol sa kumplikadong paksang ito, ngunit isang bagay ang sigurado ako.. ako, ikaw, siya, tayo ay nakakaramandam ng pagmamahal.. bahala na tayo kung ano ang gagawin natin sa regalong ito.

Love is always patient and kind; it is never jealous, love is never boastful or conceited; it is never rude or selfish; it does not take offense, and is not resentful. Love takes no pleasure in other people’s sins but delights in the truth; it is always ready to excuse, to trust, to hope, and to endure whatever comes. Love does not come to an end.

Saturday, December 3, 2011

Serbisyo Publiko

Maraming nagsasabi sa atin na dapat igalang natin ang ating mga opisyales at mga kapulisan sapagkat sila ang mga nasa kapangyarihan. Sila ang nasa kapangyarihan? hmm slighly true, igalang? depende. Nakakalungkot mang isipin pero marami sa atin ang hindi nakakaintindi ng tinatawag na serbisyo publiko. Bilang isang kawani, opisyal, pulitiko, militar o pulis sila ang dapat na magpatupad ng batas at maging mabuting halimbawa sa mga mamamayan. Hindi sila nakahihigit sa atin sapagkat kaya sila nandiyan ay dahil sa pagprotekta sa interes natin. Nakikita ko ang pagmamalaking ito sa mga balita na napapanood ko sa TV, "Isang Pulis, nanutok ng baril!" o kaya naman "Isang mataas na opisyal ng Pamahalaan, nagnakaw ng ________ halaga". Sasabihin ng karamihan sa atin, "wala tayong magagawa, pulis kasi eh o kaya naman pulitiko". Pero kung alam mo ang karapatan at ang tungkulin mo bilang isang mamamayan, hindi ito ang magiging pananaw mo. Hindi ko sinasabing alipin natin sila, pero ang pagsumpa sa serbisyo publiko ay isang bagay na sagrado sa mata ng lipunan at Diyos. Ang mga taong talagang gumagawa nito ang talagang dapat na ginagalang, pero ang mga taong tumataliwas at nagyayabang sa posiyon nila ay dapat lamang na barahin at kwestyunin. 

Followers