Magandang araw sa inyong lahat na mga giliw kong mambabasa (kunwari marami kayo! hahahha). Ngayon ay linggo na naman kaya ako ay malayang makakapagsulat ng aking mga saloobin at kuro-kuro sa munti kong blog na ito. Ano ba ang pwede kong maisulat? alam ko na! let me share something with you. Naranasan niyo na ba yung pagkakataon na parang sunod-sunod ang mga hindi magandang bagay na nangyayari sa inyo? Halimbawa na lamang nito ay maaga ka naman umalis sa bahay, pero na late ka dahil sa traffic tapos pagdating ng office ay nagkaroon ka ng moment sa trabaho mo na dahilan para mabadtrip ka ng husto. Actually, alam ko naman ang sagot sa tanong ko sa inyo, kinoconfirm ko lang.. hehe.. malamang oo ang sagot niyo.
Kung ako naman ang tatanungin niyo? ay maraming beses na. Tipong parang maling side nga yata ng kama ang nabangunan ko. Sunod-sunod na mga kapalpakan ang nagaganap na parang maiisip mo na lang "ano ba??? bakit ganito ang nangyayari? puwedeng tama naman ang mangyari? lahat na lang mali". May pagkakataon pa nga na halos mangiyak-ngiyak na ako kasi parang lahat na lang mali at gusto ko ng matapos ang araw para magkaroon na ako ng bagong panimula kinabukasan.
Minsan may nangyari pa nga na after ng traffic Jam, na late ako tapos may meeting pala at napahiya ako sa meeting dahil late ako. Idagdag pa diyan na meron kaming escalation na sobrang nagpangarag sa akin na to the point na gusto ko ng sumigaw dahil may gumagatong pa. Haaaay, ganyan ang buhay pero kahit mahirap ay kailangang matututunan pa rin kung paano ang dapat na gawin at maramdaman para alam na natin kung paano malulusutan balang araw. 'Ika nga "this too shall pass..inhale..exhale"
Ikaw? ano ang istoryang series of unfortunate events mo? hehehe
Hello, Mau!
ReplyDeleteKo talagang Naging masaya kung ano ang iyong sinulat sa post na ito!
Tingin ko kayong makipag-usap tungkol sa mga bagay-bagay ko na basahin sa aklat ng Bibliya ... Ecclesiastes!
Lahat sa buhay na ito ay panandalian! ... Lahat! ... Ang mabuti at masama ... Sa kanan at maling ... Ang kaligayahan at kalungkutan ...
Ito ay mahirap na maunawaan ang kahulugan ng buhay, ngunit ito ay mahalaga sa live na ito sa iting at pag-ibig!
Ang isang yakap mula sa Brazil!
Kisses!
I'll Be Back!!!
nice post! have a great day!
ReplyDeletehi mau ! ako man eh maraming series of unfortunate events, at gaya mo, paborito ko ding sabihin sa sarili ko sa mga ganung pagkakataon na, "this too shall pass." kaya kahit gano pa man ka benggang benggang ka-bad trip-an ang abutin mo, ngiti lang ng ngiti, dahil, "there's always a reason to smile" :)
ReplyDeleteheto na ang suporta ko sa'yo sa araw na 'to. salamat sa laging pagdalaw sa blog ko. alam mo na ;)