Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Tuesday, July 31, 2012

Kulasa’s Thoughts: Ang Batang Walain


Let me share what's on my mind...Here I go Again, I am a perfect recipe of a doomed individual who is prone to an uncomfortable position!!! ALWAYS and its consistent!!!!!!.  Kundi nawawalan, nananakawan, nahoholdup.. . ako na ang batang walain na may touch ng katangahan at pagiging pabaya. Iyan ang napapala ng pagiging focused sa isang bagay kaya hindi na nakikita ang nangyayari sa kabila. Katulad ng nangyari kahapon, 3 oras lang ang tulog ko at alalang alala pa ako sa baha sa bahay, in short bangag ako kahapon sa FX. Hindi ko inaasahan na may ganung eksena kaya panatag akong nakaupo kahit na sobrang siksikan na talaga. Ang katabi ko naman ay maayos ang itsura, may malaking bag nga lang siya, pero wala naman akong naramdaman na kahit na ano. Yun nga lang, hindi ko nakikita ang bag ko dahil madilim sa loob ng sasakyan. Ang naalala ko lang, antok na antok na ako at sa sobrang haba ng biyahe ko ay di ko na namamalayan na minsan ay napapatulala na ako sa sobrang kapaguran. Idagdag pa diyan ang maraming bagay na tumatakbo sa isip ko kaya oo kasalanan ko nga kaya nangyari yun.

Pero pakiramdam ko tinatapik na naman niya ako, ang dami ng nawawala sa akin…dahil sa mga bagay na iniisip ko na sa loob ng ilang buwan ay nagiging alipin na ako.  Mukhang kailangan ko na nga yatang bitawan ang mga bagay na yun para makapagsimula na ulit. Hindi ko sasabihing kamalasan iyon, o malas ako, may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay at alam kong may dahilan kung bakit nangyari ito. Yun ay upang magising na ako, “Gising na Mau!!!!!”  bago may mawalang iba sa iyo…Give it a break! Give it a Kit-Kat…Haaaaaayyyyy.. Life.

Followers