Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Sunday, November 11, 2012

Bamboo: An invitation for A Mini-Concert

Nope! This is not an article nor a story that just popped out of my mind :) But hey!!! i just met you! lols.. but hey! check this out peepz!!!

This is an invitation to all of you guys who might want to see Bamboo in an acoustic set-up (or know someone who might be interested) . Please see promo picture for the full details of the event.

You may also contact the numbers written on the pic should you have any queries.

One way of relaxing on the first Saturday of December, ayt!! :)





....a support to my colleagues.

Saturday, October 13, 2012

Bakit mo nga ba kailangang mag move-on kung hindi naman naging kayo???



“Bakit mo nga ba kailangang mag move-on kung hindi naman naging kayo???”..  tanong na nanggaling sa post ni Mommy Rica, sino si Mommy Rica? Siya ay isang pinagkakatiwalaang kaibigan ng may-akda ng komentaryong ito. Sige! Sino dito ang hindi pa nakakaranas mag move-on sa taong hindi naman niya naging jowa?? Simula pa siguro nung elementary eh naranasan mo nang masaktan dahil hindi ka pinapansin nung crush mong basketball player na grade 6! Hahahahaha..

Pero seryoso, bakit nga ba no? siguro hindi lang natin matanggap na may mga bagay na hindi talaga puwede kya hindi tayo makamove-on. May mga namimiss tayo na mga pagkakataon kaya tayo nasasaktan dahil lumalim na masyado ang samahan. Ang masasabi ko lang, letting go is not easy especially if you haven’t really got a tight hold of it, sa isang simpleng kadahilanang “wala kang karapatan”. People come and go and they will teach you so many things in life that you will never ever experience if you haven’t met them at all. C’mon, everything that happened and will happen to all of us clearly shows the choices that we made and will be making. 

So if there comes a time that you feel that you need to move on from something that you want to leave behind, just remember that it is a sign of maturity. Naisip ko bigla, ang daming may gusto sa kantang “Somebody that I used to know”, well I don’t believe that it’s just because of the inviting melody. This is because of the message of the song itself;  we all have our own “somebody”. Somebody that would somehow put a smile on your face whenever you think of all the memories. However, at the end of the day we need to admit that he/she is already gone, and will only remain a part of the past. That’s how life works! So many moving-ons! And catching ups to do but always remember that the past no longer matters. It is what and who we have right now that really matters that we should hold unto and treasure.

Tuesday, July 31, 2012

Kulasa’s Thoughts: Ang Batang Walain


Let me share what's on my mind...Here I go Again, I am a perfect recipe of a doomed individual who is prone to an uncomfortable position!!! ALWAYS and its consistent!!!!!!.  Kundi nawawalan, nananakawan, nahoholdup.. . ako na ang batang walain na may touch ng katangahan at pagiging pabaya. Iyan ang napapala ng pagiging focused sa isang bagay kaya hindi na nakikita ang nangyayari sa kabila. Katulad ng nangyari kahapon, 3 oras lang ang tulog ko at alalang alala pa ako sa baha sa bahay, in short bangag ako kahapon sa FX. Hindi ko inaasahan na may ganung eksena kaya panatag akong nakaupo kahit na sobrang siksikan na talaga. Ang katabi ko naman ay maayos ang itsura, may malaking bag nga lang siya, pero wala naman akong naramdaman na kahit na ano. Yun nga lang, hindi ko nakikita ang bag ko dahil madilim sa loob ng sasakyan. Ang naalala ko lang, antok na antok na ako at sa sobrang haba ng biyahe ko ay di ko na namamalayan na minsan ay napapatulala na ako sa sobrang kapaguran. Idagdag pa diyan ang maraming bagay na tumatakbo sa isip ko kaya oo kasalanan ko nga kaya nangyari yun.

Pero pakiramdam ko tinatapik na naman niya ako, ang dami ng nawawala sa akin…dahil sa mga bagay na iniisip ko na sa loob ng ilang buwan ay nagiging alipin na ako.  Mukhang kailangan ko na nga yatang bitawan ang mga bagay na yun para makapagsimula na ulit. Hindi ko sasabihing kamalasan iyon, o malas ako, may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay at alam kong may dahilan kung bakit nangyari ito. Yun ay upang magising na ako, “Gising na Mau!!!!!”  bago may mawalang iba sa iyo…Give it a break! Give it a Kit-Kat…Haaaaaayyyyy.. Life.

Thursday, January 26, 2012

Panaghoy

Ako ay nagkukubli sa lugar na aking kinalakihan. Medyo madilim at unti-unti ay nakikita ko na ang maari naming kahinatnan kasama ng aking pamilya. Malapit na akong  mawala, mamatay? siguro nga mamamatay na ako sapagkat naririnig ko na mula sa hindi kalayuan ang tunog ng kanilang mga sandata.Natatakot ako! wala akong laban...wala akong magawa dahil hindi ako makasigaw at hindi rin ako makaiyak. hindi nila nararamdaman ang pighati na nadarama ko ngayon habang nakikita kong iniisa-isa nilang inuutas ang lahi ko sa lugar na ito. Hindi naman para sa akin ang pagluha ko, ito ay para sa kanila..dahil alam ko, sa paglipas ng panahon ito ay pagsisisihan nila.

Palapit na ng palapit ang tunog at ako ay nananalangin sa bathalang sa akin ay lumikha. "patawarin mo po sila", iyan lamang ang aking nasambit ng mga sandaling iyon. Ako ay nandirito para langhapin at akuin ang hindi para sa kanila, ngunit ama!!! wala na akong magagawa kung ako ay hindi na maabutan ng umaga. Nawa'y sa aking huling hininga ay maipagtanggol ko pa rin sila pero iyon ay hindi ko na marahil magagawa.

Ito na ang katapusan ng aking serbisyo at sa aking pagtumba ay hindi ko ninais ang mga susunod na mangyayari.. ako pala ang papatay sa mga taong babahain sa ibaba ng aking tirahan, ang dakilang kabundukan. Oo ama!, bumuhos ang ulan..at ang aking katawan ang dumurog sa kanilang kabahayan at kanilang mga mahal sa buhay. Naririnig ko ang mga panaghoy habang ako ay tumatama sa kanila nang rumagasa ang baha. Ngunit nung ako ay pinuputol at nilalapastangan ng mga ka-uri nila, kahit na isang tunog ng pasakit ay hindi nila ako naringgan.

Isang pipi na puno na wala ng nagawa kundi ang magpaalam sa aking lumikha at kailan man ay hindi na makakapag ambag ng tulong para sa mga taong aking gustong paglingkuran ngunit ako ay tinalikuran.

Followers