Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Saturday, July 30, 2011

Choppy Ka

Kapag malabo ka kausap at ganun din ang kausap mo, anong buhay na lang ang meron? hahahaha...Napanood ko nitong nakaraang araw ang video ni Lourd ng Radioactive Sago sa Youtube mula sa palabas na WOTL (Word of the Lourd) na ang title ay "Snappy Answers to Stupid Questions". Ang masasabi ko lang ay sobrang "tamaaaa" at sobrang natawa ako. Bakit nga ba ang hilig nating lahat na magtanong ng kakaiba? Malinaw naman ang tanong o pagkakasabi eh inuulit pa o kaya naman ay sentido kumon na lang ang gagamitin eh nahihirapan pa. Marahil ang nasa utak lang natin ay ang pagkumpirma sa sinabi, pero minsan ay nakakatawa na talaga ang pagkumpirma o pagtatanong (guilty ako diyan!).

Naisip ko tuloy gawaan ng blog ito dahil ako mismo ay nakakarinig ng mga ganitong banat.Ano kaya kung ang mga nakakatuwang tanong eh sinagot ng kani-kanilang mga kausap??? hmmm...

1. Isang kaibigan, inaaya ang kanyang kaibigan para kumain:
    Kaibigan 1: tara kain na tayo....may sinampalukang manok sa bahay.
    Kaibigan 2: may sabaw?
    Kaibigan 1: Hindi, wala,, pritong sampaloc ang ipapakain ko s 'yo!

---> may sinampalukan bang walang sabaw?ahahahaha

2. Sa opisina, oras na ng uwian at nagpaalam ang isang empleyado sa kanyang ka-opisina:
    Empleyado 1: Cge Empleyado 2, una na ako ha.
    Empleyado 2: uwi ka na??
    Empleyado 1: ah hindi pa...papasok pa lang ako

---> Teh, malamang yan! uwian na eh.

3. Nagfile ng vacation leave ang isang kasamahan:
    Person 1: VL ako bukas, ikaw na bahala sa lahat ha.
    Person 2:  ah edi wla ka bukas?????
    Person 1: Hinde, andito ako papasok ako.. papasok ako pag VL.

---> VL nga eh! anu ba?? wahahaha

4. Sa isang Siomaiyan
    Tindera: Siomai po??
    Customer: May burger ba kayo diyan??
    Tindera: ay siomai lang po dito sir..

---> hahaha.. labo! nagtanong pa..


5. Walang kamatayang:
    Barker: Cubao! Cubao!! Cubao!!
    Pasahero: Cubao po??
    Barker: Hinde.. joke lang yung Cubao! actually Monumento to. Gusto ko lang kayong linlangin..

---> Cubao nga eh!!!! paulit ulit???

6. Sa elevator na 2 lang ang tao na puwedeng mag-usap at magkamustahan..
    Tao 1: ui!!!! kamusta ka na?????!!!!!
    Tao 2: Ako???
    Tao 1: Hindi,, ako.. kamusta na ba ako??? (wapaaaaaak)

May dahilan naman kaya ang mga ito ay nasasabi natin ng hindi sadya. Pagkumpirma lamang ng mga bagay-bagay kaya tayo nakakapagtanong ng mga ganoon. Pero minsan ay isipin din muna  natin bago magtanong o magsabi na kahit na ano.


Thursday, July 28, 2011

Oh edi ikaw na..

Ang pagiging epal ba ay sakit? kasi marami.. i mean, parang dumarami yata sila sa mundong ibabaw. Mga taong, oh ikaw na! ikaw na ang magaling, ikaw na ang laging tama at ikaw na ang lahat! bakit kaya hindi na lang ikaw na ang maglaba? hahaha.. bitter??. Hindi.. kasi marami na akong nakitang ganyan sa araw-araw na nangyayari sa akin. Minsan napapangiti na lang ako kahit sa totoo nakakairita na talaga ang mga boka. Ang akin lang naman, hindi ba pwedeng manahimik at gumawa na lang..parang ang nangyayari kunwari magaling tayo kaya sige umepal at dumaldal na lang. Hindi ba natin alam na ang ka-epakan ay kakambal ng kayabangan? kasi kapag may gusto kang ipagyabang ng tendency eh umeepal ka. Kaya sa mga resident epaloids sa ating mga paligid.. "whatever mga ate at mga kuya!"

Tuesday, July 26, 2011

Bagong Blog ^_^

Ito ang aking bagong set-up...ang isang bagong blog na maglalaman ng mga bagay na gusto kong gawaan ng opinyon sa wikang ingles, tulad ng review sa music, movies at kung anu-ano pa. Gusto ko kasing gawing malaya 'tong Mau's Trap na parang mini diary na rin, in short parang repleksyon ng nararamdaman ko.

Alternatibong site mauskie's den


Monday, July 25, 2011

Ano Para sa akin ang SONA?

"Ate ate, alam niyo ba ang SONA?"


"Ay wala akong alam diyan! wala naman ako mapapala sa lahat ng mga sasabihin diyan eh. Mabuti kung makakain ko yan. Ganito kami dati hanggang huli ganyan pa rin kami!!!"

O, ikaw na ang walang alam ate! Ang bayan ni Juan, ang bayan ba ng mga walang alam? o pinahitik din sa kamangmangan ng mga nasa posisyon. Hindi ko masisisi ang ilan sa ating mga ate at kuya kung bakit ganito ang nasa isip. Isinasalamin lang nito ang ating hindi pagiging maalam sa ating sitwasyong pampulitikal at pang ekonomiya. Kung ako nga naman nitong hindi pa kumakain at hindi alam kung saan maghahagilap ng maipanglalaman sa tiyan ng aking pamilya, bakit ko nga ba iintindihin ang SONA...


State of the Nation Address, pinaikli lamang kaya naging SONA. Ito ang taunang pag-uulat ng ating Pangulo tungkol sa kalagayan ng ating bansa (sa madaling salita ay pagbibida ng mga nagawa na masasabi kong DAPAT LANG!!!). Minsan parang nagiging mala-concert na rin ang dating dahil puro palakpak na lamang ang ating maririnig kahit wala ng sense ang sinasabi. Nakakatawa na nakakaiyak ang biruan sa mga karinderya tuwing may SONA, "Nakakailang palakpak na ba????" sabi ng mga tambay habang tumatawa dahil tuwang tuwa sila sa tanong na iyon. Nakakatawa dahil only in the Philippines ang mga banat na ganun, ngunit sa kabilang banda nakakaiyak dahil imbes na "ano na daw ba ang sitwasyon natin?" ang nais malaman ay ang bilang ng palakpak pa ang inintindi.

Buti na nga lang sa wikang Filipino naiusal ang ating SONA ngayon. Hindi kasi kaaya-ayang pakinggan kung wikang Ingles ang ginamit. Hindi ulat para sa mga taga ibang bansa ang ginagawa kaya dapat ay kahit na si aling Bebang na hindi nakatungtong ng Grade 2 ay maiintindihan. Ito ay kinakapalooban ng ulat na higit na nakakaapekto sa kapus palad na sektor ng ating bayan. Dapat nating maintindihan na ang pakikinig dito ay hindi lamang dahil kailangan nating makinig o sumang-ayon. Ito ang plano at kasalakuyang aksyon ng Gobyerno laban sa kahirapan, kawalan ng trabaho at paninikil sa ating karapatang mabuhay ng payapa at masagana.

Ang pagsuri sa bawat salita at aksyon ay magbigay dapat sa atin ng kagustuhang makialam at tumulong sa Gobyerno para makamit ang inaasam. Ngunit ito ay isang pangarap lamang, bakit ko nasabi? Ultimo ang mga nakatapos na sa pag-aaral at mga itinuturing na propesyunal ay nagpapalaganap ng katangahan sa pamamagitan ng mga sagot na ganito..."wala namang nagbago"

Sir, Ma'am.. ano po ang paraan ninyo upang may magbago?

Followers