Waaaaaahhhhh.. I don't want to end up with sore eyes!!!!!!.... the idea of using my Sick Leave is not an option at this time. There are lots of things that I need to do that's why I am not happy to feel this itchiness on my eyes right now. It started yesterday when I'm on my way to the office, and since then I am qute bothered with the thought of having that infection.
Wish me luck! I'm about to sleep and the moment of truth is when I wake up.. dug..dug..dug..
Why did you click on this site?
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!

Monday, September 27, 2010
Saturday, September 25, 2010
Time.. where did you go?
Time..I'm always wondering if it is possible for one to have the power of stopping time just for a moment, I bet it would be a very interesting one. There's so many things that you will be able to do just like some assignments that you wanted to accomplish but you don't have the luxury of time to do so.
It just suddenly crossed my mind because I have turned 24 last friday and I kinda feel happy and fulfilled, but a bit nostalgic with the thoughts of how my 24 years in this world had been. Somehow, I can say that it's not bad after all, i have done my part by fixing my life and putting everything in it's proper place in a way which I know is right. However, there are things that I still wanted to think about before I could move forward with my life, but time is ticking and I will be left behind If will not make up my mind.
My age is telling me "hey! you're getting older each year, and that's the sign that you should also be getting wiser each year right?" but I am not sure if this is really what I am going through. Anyway, indeed I am really thankful that another year has passed by and I guess that I am walking onto the right track. Time has once again proved its superiority against me and I am being challenged by it.

Pagbabalik-Tanaw sa Ondoy
Alas-dos ng umaga noong Sept. 25, 2009, Sabado noon, halos kararating ko lang galing sa trabaho pero unti-unti ng lumalakas ang hangin at ulan sa labas ng bahay. Siyempre kabado ako, kasi talagang pinapasok ng baha ang bahay namin kapag may ganoong uri ng panahon, pero hanggang tuhod pa lang naman ang pinakamataas na inabot ng baha sa loob ng bahay ng mga nakaraang taon. Hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala na baka pasukin na naman ng tubig ang bahay namin kaya tumulong na ako sa paglilikas bago pa man tuluyang tumaas ang lebel ng tubig. Matapos ang pagtataas ng mga gamit, nakatulog din ako dahil sa kapaguran. Mga bandang alas kuwatro ay nagising ako at dumampi na nga ang tubig baha sa loob ng bahay, ngunit pahupa na rin naman dahil nagsisimula ng bumaba ang lebel kaya bumalik ulit ako sa pagkakatulog. Alas-siyete ng umaga halos wala ng tubig sa bakuran namin, sobrang pababa na siya kaya nagsimula na kaming magligpit ng mga gamit pabalik sa kani-kanilang lugar.. pero.. nagkamali kami.
Hindi huminto ang pag-ulan at nag uumapaw ang pagbuhos nito mula sa kalangitan. Nandoon pa rin ang takot namin pero dahil nga bumaba na ang tubig, pinipilit na rin naming kalmahin ang mga loob namin hanggang sa nakinig kami ng radyo. Mga bandang alas-onse ng umaga nang nag-abiso ang announcer sa radyo na maaaring magpakawala ng tubig ang dalawang dam (Ipo at Angat) at siguradong matatatamaan ang Marilao, Bulacan. Lingid sa aming kaalaman ay nangyari na pala, pagbukas namin ng pintuan ay sobrang laki na ng tubig. Kung kanina ay malapit ng makita ang semento sa may bakuran, ngayon ay tumambad sa amin ang mala-dagat na eksena sa labas.
Nagmadali ulit kaming ilikas ang lahat ng gamit ngunit ang tubig ay parang nangngangalit na pumapasok na ng mabilis sa loob ng bahay. Sobrang bilis! at sobrang nakakatakot, parang eksena sa Titanic at aaminin ko natakot ako ng husto. Noong una ay dinadaan ko lang sa tawa, pero nang nilagpasan na niya ang tuhod ko at mabilis pa ring umaakyat ang tubig, wala akong nagawa kundi umiyak at kasama ng pamilya ko ay nanalangin kami sa aming kaligtasan. Naisip ng aking kapatid na lusungin na ang hagdanang kahoy sa baba ng bahay kahit malalim na ang tubig upang makaakyat lamang kami sa kisame ng bahay na kaya naman kami i-accomodate. Nakakatawang inuna namin ang aso sa taas, sumunod si Mama na kahit na matanda na ay dali-daling inakyat ang matarik na hagdan na dahil na rin siguro sa adrenaline rush at sumunod ang aming pinsan. Naiwan kami ni Kuya dahil nag-aakyat pa kami ng ilang bagay na magagamit namin tulad ng pagkain, de bateryang radyo, posporo, kandila,isang palaman, tinapay, tubig, kutsara at mga damit. Nang umabot na sa baywang ang tubig, minabuti na naming sumunod sa taas dahil pataas pa ang tubig.. at ang mga sumunod na pangyayari ay mistulang bangungot.....
Mga bandang alas-tres ng hapon ay tuluyan na kaming umakyat lahat sa taas at nakinig kami sa radyo. Doon ay nalaman naming malawakang pagbaha pala ang nangyari sa buong Metro Manila, lalo na sa Marikina at karatig na mga lugar, ngunit hindi namin alam na sobra na pala ang nangyayari. Nang gumabi na ay binalot na ng kadiliman ang buong kisame maliban sa unting liwanag na binibigay ng kandila at patuloy kaming nag-abang kung tataas pa ang tubig. Wala kaming ibang naririnig kundi ang lakas ng hangin at dagundong ng ulan sa bubong. Sa mga panahong saglit na tumatahimik ang paligid ay nakakarinig kami ng mga hiyawan sa labas ng bahay, mga nag-iiyakan na kalaunan ay nalaman naming mga taong umakyat na pala sa bubong.
Nakakatakot, pero nilakasan lang namin ang aming mga loob at nanalangin na sana'y huminto na ang pagtaas ng tubig at ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nagpalipas kami ng magdamag sa kisame kasama ang mga daga at mga ipis, makakapal at maiitim na alikabok na sobrang hindi ko makakalimutan. Ang laman lamang ng aming tiyan ay tinapay at tubig, kaya ganoon na lamang ang gutom namin sa taas. Ang tanging komunikasyon lamang ay kay Enteng, sa bestfriend ko, at sa mga kamag-anak na sobrang nag-aalala na, pero napakahina ng signal kaya hindi rin maganda ang ugnayan. Iyon na yata ang pinakamatagal na gabi sa buong buhay ko, pero sabi nga bawat unos ay may katapusan at sisilip ulit ang Haring Araw.
Kinaumagahan ng Linggo, Sept. 26 ay tumambad sa amin ang makapal na putik sa bahay, sira-sirang mga gamit at kung anu-ano pang di kagandahan sa paningin. Nalaman din namin na mas malala pa pala ang nangyari sa ibang bahagi nga Bulacan at Metro Manila, sapagkat marami pala ang namatay. Nakakapanglumo pero nagpasalamat na lang kami na walang nasaktan sa pamilya namin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon sa tanang buhay ko. Isang leksyon na sobrang makapangyarihan ang kalikasan, lahat ng ginagawa natin sa kanya ay maari niyang ibalik sa atin. Ang Diyos ang may desisiyon kung ikaw ay maliligtas o hindi. Siya si Ondoy.. simpleng pangalan ng bagyo pero tumatak ng husto sa ating mga utak.

![]() |
| Kuha noong hanggang beywang pa lamang ang tubig |
![]() |
| Mala-dagat na Eksena |
![]() |
| Lumutang ang Mesa kung saan may nakapatong na Upuan |
Sunday, September 19, 2010
Biyuda
Sa dapit hapon ng kanyang buhay, wala na siyang ibang mahihiling pa...lahat ng kanyang mga anak ay nakapagtapos na. Tila ang mga pangarap na dati ay nasa panaginip lamang ay unti-unti na niyang nakukuha. Naranasan niyang maghirap at lumuha gabi-gabi sapagkat wala na siyang maihain sa hapag na kakainan nilang mag-anak. Sa halagang sampung piso, may mabibili ba? meron!! isang itlog na paghahatian ng kanyang dalawang anak sa loob ng isang araw. Sa kabilang banda, hindi na niya iniinda ang pagkalam ng sariling sikmura sapagkat ang masilayang masaya ang kanyang mga anak ay sagot na sa kanyang sariling kagutuman.
Hindi siya sumuko, tanging paglaban lamang ang kanyang ginawa buhat ng mawala ang kanyang kabiyak. Hindi na kailanman inisip na sumama sa iba upang may makasama lang sa buhay. Ipinaglaban niya ang lahat hanggang sa magbunga naman ang kanyang pagsisikap. Nairaos ang buhay at ang lahat ng pangarap ay unti-unting binuo, parang isang istorya sa pelikula na kung saan ang bida ay nagwagi sa lahat ng hamon na nadaanan.
Ngunit ang panahon ay lumilipas, sumasapit ang katandaan. Kaakibat ng tagumpay ay ang paghahanap ng landas ng kanyang mga anak patungo sa kanya kanya nilang buhay. Alam niyang mangyayari ito kaya't ngayon siya ay naghahanda sa pag-iisa, lumuluha na naman sa gabi, naghihintay at nag aabang sa pagdating ng kanyang mga supling.
Gamit ang kanyang malabong mga mata, tinitingan niya ang orasan. Ninanais na makatanggap ng kahit na anung mensahe mula sa kanyang mga anak, ngunit wala. Walang senyales na sila'y darating na..
Hanggang sa tumunog na ang gate at dali-dali siyang lumabas.. doon ay nakita niya ang dalawa niyang anak.
"Ma, nandito na po kami Happy Birthday!.. mahal na mahal ka namin, nandito lang kami para sa iyo, kailanman hinding-hindi kami mawawala."

Subscribe to:
Posts (Atom)
Labels
- 7 Kasalanan (1)
- Blog (1)
- Carolling (1)
- Christmas Tree (1)
- Facebook Shoutout (1)
- Ilocos Sur (1)
- Kamalasan (1)
- love is patient (1)
- media (1)
- Nuestra Senora De La Asuncion (1)
- Overtime (1)
- Pag Ibig (1)
- Pag-alaala (1)
- Parol (1)
- Pasko (1)
- Paskong Pilipino (1)
- Petiks (1)
- Quirino Grandstand (1)
- sensationalism (1)
- Serbisyo Publiko (1)
- Sta. Maria Church (1)
- Status (1)
- Team (1)
- Think before you Click (1)
- Traffic Jam (1)
- Ulan (1)
- Undas (1)
- Yumao (1)
- zombie (1)