EXCHANGE LINKS
http://nafacamot.blogspot.com/
http://mumayski.blogspot.com/
http://androidenteng.blogspot.com/
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh ang tagal ng oras ko sa work.. in short Overtime (hahaha parang baliktad). Sa kadahilanang, kelangan mag double time sa trabaho dahil tumatakbo ang oras at kaunti lang ang gagawa (scarcity of people kumbaga). Ngunit, hindi ko tinitingnan yun bilang pasakit sa akin. Ang overtime ay ipinagpapasalamat ko dahil senyales ito na may trabaho pa ako. malamang ang talagang kinabibwisitan ko lang ay yung pressure at yung hindi pantay na estado ng mga teams at mga tao (opinyon ko lamang po). may team na petiks, may team na patayan at depende ata ito sa mood ng mga nasa itaas??? hahaha.. pero wala naman talaga akong ibig sabihin.
Ang gusto ko lang sabihin ay nakakapagod ang magpakapagod ngunit mas nakakapagod mag isip kung wala ka namang iniisip at wala kang ginagawa. Gets? hindi?.. hahaha, ako din hindi ko gets.
Why did you click on this site?
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.
Nevertheless...
Welcome to Mau's Trap!
Monday, July 25, 2011
Saturday, July 23, 2011
Ang May Akda
Sino nga ba ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari ngayon, bukas at sa mga darating pang mga araw? Ang aking pagiging isang manunulat ang naghatid sa akin sa sitwasyong ito. Siguro nga, nahawaan na ako ng mga nobelang aking inaakda na araw-araw ay aking kasa-kasama. Ang kaibahan nga lang, sa nobela ko, nakokontrol ko kung ano ang mangyayari at kung ano ang dapat na gawin ng bida...isang bagay na hindi ko naman kayang gawin sa aking sariling buhay. Sa isang sulok ng kuwarto ay maririnig mo ang "takatak" ng aking lumang typewriter na "oo alam ko, sobrang niluma na ng panahon", katulad ng buhay ko na sadlak ngayon sa pag-iisa sapagkat hindi na nagawa pang mag-asawa dahil sa aking pagmamahal sa letra.
Ito ang gusto kong paniwalaan...na ako'y nag-iisa dahil mas pinili ko ang landas na ito kesa ang mabuhay ng payapa kapiling ang isang maybahay at mga anak. Ngunit dito ako nagkakamali.,sa madaling salita ay niloloko ko lamang ang aking sarili. Hindi ko na ninais pang magmahal muli buhat ng mawala sa akin ang aking pinakamamahal na kasintahan, dalawampung taon na ang nakalilipas. Si Mira, isang babaeng katulad ko ay malaki din ang paniniwala sa salitang prinsipyo,ngunit ang salitang ito ang nagbigay din ng kabiguan sa aming dalawa. Minahal ko siya na para bang ang langit ay hindi na magdidilim at ang liwanag ay laging kapiling. Isang dalaga sa kanayunan na ang hiling ay ang mamuhay ng kabalintunaan ng kanyang kinagisnan....simple, payak ngunit payapa at may saya. Alam kong minahal niya rin ako sapagkat iyon ang kanyang sinabi at aking nadarama. Natatandaaan ko pa ang kanyang mga ngiti, at ang bango ng kanyang buhok habang siya ay aking yakap sa aking bisig. Malinaw pa sa aking isip ang lahat ng mga alaalang akin na lamang ngayong pinanghahawakan sa aking puso nung kami ay mga bata pa. Nangako ako sa kanya, sabi ko'y pagbubutihin ko pa lalo ang aking pagsusulat upang baka sakali ay makatiyempo ng interesadong tagalimbag at makaipon ako ng kahit kaunti para sa buhay naming dalawa. akala ko'y sapat na ang lahat ng aking pangako upang siya ay pumirmi sa akin, hanggang dumating ang araw na hindi ko kailanman malilimutan.
Isang taga Maynila na binata ang sumilo sa aking Mira. Hindi siya nag atubiling iwan ako ng pangakuan ng mas magandang buhay ng nasabing lalake. Gustong sumabog ng aking dibbdib nang nalaman kong may basbas ang kanyang pamilya sa lahat ng nangyari sa kabila ng kanilang pagkakaalam sa aming relasyon. Gusto kong magwala, sapagkat hindi ko man lang naibigay ang singsing na matagal kong pinag-ipunan sa kakarampot na kita ko sa aking pagsusulat. Ngunit ano pa nga ba ang aking magagawa? kundi ang abanagan ang kanyang pagbabalik..patuloy ang aking pag-asa na muli ko siyang masisilayan at sasabihin niyang "Patawad, ako ay nagkamali". Alam ko namang ito ay pangarap na lamang ngayon, sapagkat ayon nga sa kanyang mga magulang ay magpapakasal na ito sa Maynila.sa nasabing lalaking mas makakapagbigay sa kanya ng kaginhawaan.
Lumipas ang mga buwan ng paghihintay at ako'y nagtaka sapagkat kahit ang kanyang magulang ay wala ng balita sa kanya, buhat ng siya ay umalis kasama ng lalaking iyon. Hanggang dumating ang isang araw na aking nabalitaang siya ay nagbalik na. Nagbalik na nakalagay na sa isang kahon, malamig at wala ng buhay. Hindi pala siya pinakasalan ng binatang taga-Maynilang itinuring niyang pag-asa, bagkus ito pala ay isang manlolokong recruiter na handang gawin ang lahat upang makapanloko lamang ng mga katulad ni Mira. Dalagang puno ng pag-asang makakaahon sa buhay sa pamamagitan ng kahit na anong paraan.
Ang aking Mira ay itinuring na gamit na ibinenta at pinagpasasaan ng kung sino-sinong lalake. Walang laban, at marahil ay tinatawag ang aking pangalan habang tahimik na inuusal ang salitang patawad. Pinatay siya ng isang sadistang lalaki na pinagbentahan sa kanya ng gabing iyon. Iniwan ang kanyang binaboy na katawan sa isang lugar na hindi ko kailanman nais na ilarawan pa sa aking isip.
Mula noon ay ipinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na magmamahal ng iba bukod sa kanya. Isang manunulat na nais sanang maibigay ang lahat sa sinisinta, ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya nahintay pa.
Ito ako ngayon, makalipas ng dalawampung taon ay nag iisa, tangan ang aking makalumang "typewriter" at humihingi na lamang ng inspirasyon sa hangin. at sa alaala niya. Ipinagpapatuloy pa rin ang aking buhay na siya naman ngayong aking pinagsisikapang tuloy-tuloy na iakda.
Life as we Perceive It
How would you define failure? success? Life and everything that comes around with it? It is quite unlikely for all of us to understand life in a positive way. There are lots of instances wherein we find ourselves in the middle of uncertainty and stressful events that we tend to forget the reason behind these challenges. Always remember that a pencil will never be in good use if it will not be sharpened at all. At the end of the day, celebrating the glory doesn't necessarily mean celebrating your success solely but observing all of the experiences you faced that led you on your triumph. It's all about the attitude and your grasp of the condition that really matters most.
Just like what I am saying to myself and to all those people who are seeking for an advise, there should only be two options on every scenario. Stop or Go, Yes or No, Enter or Exit., these are just some of the choices that I am pertaining to. Once decision has been made and then integrate it with our faith, next thing will be a state of mind of being firm. We will eventually perceive life on that state of mind that we have inculcated to ourselves.
Let me give you an example, being a quitter doesn't mean that you lose the battle. You have made a choice to quit then it's your decision, then you come up with the belief that it is indeed the right thing to do...then it is your faith. Put them together? then you will be on that situation wherein you will go out of your way and strive harder to search for a better place to start again. You'll stick with that judgment even if you encounter so many challenges in doing so. One would not even accept the fact that it is already difficult because you are just being firm with your decision and faith..no turning back now, ayt!!
The same thing goes if your decision is to continue...same principle with that of what I have mentioned above.also applies. Life is a state of mind.. it is how you wanted to see it. Let me give you a quote that will enable you to see the meaning of true success:
" The very best way to predict the future is to create it, and you create your future by the way you approach everything that happens to you today, either positively or negatively. If you approach each situation confidently expecting to learn from it or gain from it, you will continue to grow and progress and move toward your goals. You will also be happier, more optimistic person that other people will want to be around and to help." - Brian Tracy
Saturday, April 9, 2011
Ibang Buhay
Ang umaga ay kay liwanag, didilim pa lamang.
Ang hangin ay banayad, mamaya pa lalakas
Kahit maghanda, alam mo kung saan papunta.
Ang perlas ay kumikinang, ngunit bakit nasan na?
Mga hayop na gala, ngayon ay nawawala.
Ibig ko bang sabihin na maaring lumisan nga?
Ang kariktan noon malamang maglaho na.
Tayo ang sampid, pero tayo ang sumira
Hindi nila mapalayas sapagkat dehado sa digma.
Wala na ngang kapangyarihan, walang lakas na maibuga
Pero sino ang inuubos at pinapatay.. hindi ba sila?
Hintay lang sabi nila, ang mundo ay inyo na
Mawawasak ang lahat pero hindi ito sumpa,
Katotohanang daig pa ang pagsabog ng bomba
Tuluyang mabubura…Lahat ay Mawawala
Tavita M.D.
April 10, 2011
11am
Subscribe to:
Posts (Atom)
Labels
- 7 Kasalanan (1)
- Blog (1)
- Carolling (1)
- Christmas Tree (1)
- Facebook Shoutout (1)
- Ilocos Sur (1)
- Kamalasan (1)
- love is patient (1)
- media (1)
- Nuestra Senora De La Asuncion (1)
- Overtime (1)
- Pag Ibig (1)
- Pag-alaala (1)
- Parol (1)
- Pasko (1)
- Paskong Pilipino (1)
- Petiks (1)
- Quirino Grandstand (1)
- sensationalism (1)
- Serbisyo Publiko (1)
- Sta. Maria Church (1)
- Status (1)
- Team (1)
- Think before you Click (1)
- Traffic Jam (1)
- Ulan (1)
- Undas (1)
- Yumao (1)
- zombie (1)

