Why did you click on this site?

Probably it's because you are curious about the content, you personally knew the author or just hanging out with your PC on and you accidentally got to this part of the web.


Nevertheless...

Welcome to Mau's Trap!

Monday, September 26, 2011

Damuhan ng Pilipinas

"Ang damuhan ay isang paraiso ng mga tupa, maraming pagkain at nagsisilbing kanlungan. Ngunit paano kung pinapasok ng pastol ang pangkat ng mga baka?...ang pagkain ay maaagaw at ang paraiso ay mawawala sapagkat mas malalaki sila"

Ang Pilipinas ay maihahalintulad natin sa damuhan, punong-puno ng likas na yaman at paraiso para sa mga Pilipino. Kung tutuusin ay kaya nating suportahan ang sarili nating mga pangangailangan dahil sa ipinagkaloob na likas na yaman ng ating Panginoon sa ating bansa. Ngunit bakit sa kabila ng kaginhawaang ito ay alipin pa rin tayo ng matinding kahirapan? Isang sagot ang aking naiisip, hindi maayos na pangangalaga ng mga taong dapat sana ay magtatanggol sa atin...ang ating Pastol. Ang ating Pastol ay patuloy na nagpapapasok ng mga Baka na unti-unting sumisira sa ganda ng ating bayan at patuloy na nagpapahirap sa ating lahat.

Ang mga bakang ito ay maihahalintilad sa mga pribadong negosyo na itinuturo nating salarin ng ating kahirapan. Pero katulad ng mga baka, wala silang pakialam kung mauubusan tayo o magugutom dahil sa kagagawan nila. Natural lamang na pansariling interes ang iiral sa kanila dahil kailangan nilang gawin iyon para umunlad ang kanilang mga sarili. Isang malaking tanong dito ay.. bakit pinapayagan ng Pastol na nakabukas ang bakuran ng pastulan at hindi sinasaway ang ginagawa ng mga baka?. Tulad nito ang tanong na: Bakit tayo bukas sa mga polisiyang alam naman natin na papatay sa ating sariling mga industriya at sa mga taongbayan? Wala sa mga pribadong kumpanya ang kasagutan diyan, dahil sila ang mga baka na habang pinapayagan kumita dito sa ating sariling lupa ay patuloy lamang na mangunguha para sa kapakanan ng kita. 

Ang bakod ay tinanggal ng mga pastol kaya malayang nakapasok ang interes ng mga baka sa damuhan. Laruin ninyo sa inyong imahinasyon ang nangyari kapag naglabo-labo ang mga baka at ang mga tupa, sino ang dehado? sino ang lamang?. Sa aking opinyon, iyan ang konsepto ng nangyari sa Free Trade Liberalization at iba pang batas na tinutuligsa ng iilang mga taong mulat ngayon. Nawala ang Proteksyon (Protectioneesm) sa ating sariling mga bukirin, pagawaan at mga industriyang dapat sana ay pinagkukunan ng magandang kabuhayan ng ating mga kababayan. 

Walang habas ang pagkain ng mga baka dahil wala namang pumipigil. Hinahayaang magutom ang mga tupa sa ginagawa ng mga baka at hindi ko masisisi ang mga baka sapagkat kailangan nila iyon. Nakikita natin ang mga baka at tinutuligsa ang kanilang mga ginagawa pero ang mga batas ng ipinatupad ng mga Pastol, alam ba natin? Nakakalungkot isipin na kahit na mga tapos na sa Kolehiyo ay walang pakialam at walang alam sa konseptong ito, tapos magsasabi tayo ng "Hindi na nabago ang antas ng lipunan natin, mahirap ako dati, hanggang ngayon ay mahirap pa rin". 

Iiwan ko sa inyong mga isipan ang baka, tupa, pastol at damuhang masagana. Isa lamang paghahambing upang maipaintindi ang nangyayari sa ating bayan. Mahirap ngang maintindihan lalo na kung nakapiring at nabulag tayo sa kamangmangan. Hindi mahirap ang ating inang bayan, napaganda niya ngunit napunta lamang sa kawalan. Siya ay ginagahasa at patuloy na nilalapastangan dahil hindi natin matumbok ang puno't dulo ng problema na maari sanang naiwasan kundi pinayagan ng ating mga Pastol. Walang iniwan sa isang kanal at mga lamok, kahit anong pagpatay ang gawin nating lahat sa mga perwisyong mga lamok, hindi iyan mauubos sapagkat nandiyan ang maruming kanal.


Sunday, September 25, 2011

Pagganap at Pananampalataya

"Halika! sabay tayong umakyat!"
Isang gabi, galing ako sa opisina na para bang napaka bigat ng loob ko. May mga bagay akong hindi maintindihan sa mundo at sa mga ibang taong nakakasama ko. Ang dami kong tanong, bakit may mga taong plastic? bakit may mga taong mahilig gumawa ng ikakabadtrip ng mga kasama nila? bakit may mga ganung uri ng tao?.. Wala akong maisagot sa mga tanong ko, inisip ko na lang, siguro talagang ganun ang mundo. Hindi ba? ang bawat bagay ay may mga kabalintunaan? may kasalungat 'ika nga.

Ngunit hindi niyo ba napapansin? kadalasan sa mga ganitong uri ng tao ang pagiging maka-diyos kuno. Nagmumura sa kasambahay pero laman ng simbahan para mag novena. Ang labo no? maihahalintulad ito sa isang kuwento sa bibliya ng ama na nag-utos sa kanyang dalawang anak. Ang tugon ng isa ay negatibo "ayaw ko" pero nang makaalis ang ama ay dagli namang sinunod ang utos. Ang ikalawang anak ay tumugon ng "opo" ngunit hindi naman ginawa ang naturang utos. Walang iniwan sa mga taong simba ng simba at kung anu-anong uri ng pananampalataya ang ginagawa ngunit ang ipinapamalas na ugali ay labag sa nais ng Panginoon. Mayroon namang mga tao na hindi masydong nagpupunta sa simbahan para nagpapamalas ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.

Kung tutuusin mas matimbang ang pangalawang uri ng tao, sapagkat ang utos ng Panginoon ay mahalin ang kapwa. Balewala ang pananampalataya kung kabalintunaan naman ang tanging ginagawa. May mga drug lords at corrupt na pulitiko na laman ng simbahan pero wala palang pakialam sa kinahihinatnan ng sambayanan dahil sa kanila. Medyo radikal ako pagdating sa ganyang bagay,sapagkat para sa akin kung matuwid ka.. ipakita mo sa paggawa. Tumulong ka sa kapwa at magpakababa ka na katulad ng pagpapakababa ng Panginoong Hesukristo. WALANG KUWENTA ANG YAMAN at GALING kung may natatapakan kang mga tao sa paligid mo. 

Isipin nating lahat ano ang ginawa ko sa kapwa ko, sa paligid at ibang  nilalang ng Panginoon?... ano na ang iniwan kong "legacy" sa mundo.? Mayaman, maganda, tanyag ako o kung ano man ang katayuan ko sa buhay... may naging silbi na ba ako sa mga kasama ko at sa mga ibang tao?

Lahat tayo, kasama na ako... sino ang tutularan natin? yung una o pangalawang anak?. Huwag nating tularan parehas, tayo ang dapat na maging pangatlong anak.. Oo sa utos at oo sa gawa! magdasal at magpuri sa kanya sa simbahan o sambahan AT gumawa ng tama sa kapwa. 



Monday, September 19, 2011

Bayan May Patutunguhan?


....Naisulat noong panahon ng eleksyon.. pero ngayon? may nagbago ba?


Doon sa silangan pag-asa ang aking tangan
Pag-asang may tumayo at mag-aklas sa ating kapakanan,
Pinunong walang takot sa banta ng iilan
Handang tumayo upang tayo ay ipaglaban..

Ating gintong araw ba ay makakamtan?
Sa kanyang kamay ang mata’y hindi luhaan.
Kung saan ang ama at ina ay nasa tahanan
At ang anak ay hindi mangungulila sa kawalan.

Bayan ba’y ano ang kinahinatnan?
Dumudurog ng puso ang matinding kahirapan,
Nais lang ang sikmura nila’y magkalaman
At ang tanong sa pagkain bukas ay may kasagutan.

Si Bonifacio at Rizal, tuluyan ng natabunan
Ng anino at kaluluwa ng kasakiman..
Imulat ang mata sa darating na halalan,
Huwag hayaang prinsipyo ay matabunan.

Maureen Dagdag Tavita
09/05/2010 1:00am

Sunday, September 18, 2011

Piping Pag-Ibig

May mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin mapigilan, katulad ng pamamaalam na sa totoo lang ay wala man lang kahit anong paalam. Ang corny ba ng topic? hehehe.. hindi naman siguro dahil sa bawat araw na nagdaraan ay may isang tao na nakakaranas masaktan dahil sa pag-ibig na hindi man lang naipadama. Sa tingin ko naman, kahit ikaw ay nakaranas na mang-iwan o maiwan ng taong mahal mo kahit sa isang punto ng buhay mo. Ang taong ito ay maaaring kasintahan na o isang taong mahalaga na hindi mo man nasabi kung gaano siya kahalaga sa buhay mo hanggang siya ay lumisan na. Isa lamang ang masasabi ko diyan, hindi masamang umiyak at ihagis ang kahit anong gusto mong ihagis (wag lang gamit na masyadong mahal ha!) dahil sa pagdadrama kahit na hindi ka starring sa isang telenobela. Normal iyan sa atin, tao lang eh! pero kaya nga naimbento ang salitang "move on". Ang piping pag-ibig ay malamang na may dahilan, dahilan na malalaman lamang natin kapag tayo ay magpapatuloy sa buhay natin.

Isang hapon ay naisulat ko ang kantang maririnig ninyo pag na "play" ninyo ang video sa ibaba. Inilagay ko ang aking sarili sa Mau noon, nung ako ang nakaranas ng mga bagay na nailahad ko sa taas. Masarap balikan ang sakit, pero hanggang alaala na lang lahat ng iyon. Nakita ko na ang dahilan kung bakit hindi ko nasabi ang aking nararamdaman at ito ay dahil sayang lang sapagkat ibang tao ang kailangan makarinig ng lahat ng iyon...at iyon ay walang iba kundi ang taong kasama ko ngayon sa hirap at ginhawa.

Sunday, September 11, 2011

Disco sa Gabi

Isa sa pinakakabwisitan kong eksena ay ang pagpapatugtog ng malakas ng kung sino sa alanganing oras ng wala namang party. Nangyari na ba sa inyo yung tagpong alas onse na ng gabi ay bongga pa rin patugtog na parang mga discohang nagaganap sa labas? Walang pakialam kung natutulog na ang mga tao na nasa paligid. Ito ay senyales ng kayabangan at kawalang pakialam sa kapwa. Isipin niyo..walang party at gabi na, ano ang dahilan sa pagpapatugtog ng malakas? Para sa katuwaan malamang..kasiyahan na wala sa lugar. Sabi nga, kanya-kanyang trip yan!! Walang basagan. Eh panu kung trip ko na ring matulog pati ng lahat ng taong nasa paligid? Ibig sabihin lang ay may basagan ng trip na nagaganap. Katulad ng lagi kong sinasabi, respeto lang kasi ang kailangan para maayos tayong lahat. Kung may mga ganitong uri ng mga tao, may respeto pa ba sila sa kapwa nila? 

Saturday, September 10, 2011

Pinaghalo-Halong Shoutouts

Ang "status" sa Facebook ay hindi lang literal na STATUS - period!.. ito ay isang paraan ng pagpapahayag natin sa ating mga sarili. Masasabi ba nating status ito? "Nakakabwisit ka na!!!! Humanda ka sa akin mamaya!!", ito ay pagbabanta o paglalabas ng ating emosyon at hindi lang simpleng "status". Ang field na ito ng Facebook ay maaring maging pang-inggit (pag may pinopost ka na kayabangan), parang pagrereklamo sa Barangay Hall (Kapag binubuhos mo sa wall mo ang mga hinaing mo sa buhay kahit wala namang aayos), parang blind item, kung saan ay may pinapatungkulan tayo sa mensahe pero hindi natin kaya o maaring ibunyag ang pangalan (depende na lang kung malakas ang loob mo) at parang "BLOG", parang article sa haba ng gustong sabihin. Pero para saan nga ba talaga ang pag-update ng status? sa aking pananaw ito ay pamamaraan ng pagbibigay  "sana" ng ideya o impormasyon na makakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay ng ating kapwa na maaring makabasa nito. Ito ang dapat sana na nangyayari, pero aaminin ko.. guilty din ako sa  paggamit nito sa hindi tamang paraan. Ngayong dumating na nga sa punto na ang status ay hindi na lang simpleng status sa Facebook, tama lang ang campaign na "Think before you click!". Tayo na ang bahalang humusga sa ating mga shoutouts, dahil bandang huli ay tayo rin ang lubusang maaapektuhan ng mga pinagsususulat natin sa mga walls natin.

Tama????

Tama!!!!!....

At dahil diyan, tingnan ang aking mga shoutouts na mala-blog sa ibaba. Hahahaha, sabi sa inyo eh! Guilty din ako...

"bakit nga ba tayong mga Pilipino eh sobrang matakot o mahiya sa mga Pulis, Pulitiko at sa mga opisyal at empleyado ng Gobyerno? Halal yang mga yan ng mga taumbayan at ang mga pinagtatrabahuhan nila ay DAPAT lang na mabigay ng public service, hindi natin utang na loob yan kapag nagbigay ng pondo o nagpagawa ng tulay. Tayo ang boss at dapat alam nila yan.. kaya kapag may nagsungit sa inyong public officials at Government employees.gayahin ninyo c Tulfo!"
 "Let me share something,badtrip ako ngayong araw dahil sa halo-halong di kagandahang moments.Umuwi ako at sumakay sa taxi,nasabi ko sa taxi driver ang mga bagay na kinabadtripan ko ngayong araw,nang natapos ako magkwento, nakarinig ako ng mga pananalitang nagbukas ng isip ko at sobrang nagpagaan ng pakiramdam ko.Totoong "God is one of us".baka isang taxi driver, isang kasakay sa jeep, katrabaho,ang Diyos ay nasa sa ating lahat kaya maging mabait tayo sa ating kapwa kahit na sino at ano pa siya."

"Malaki ang posibilidad na itaas ang presyo ng pamasahe sa mrt at lrt dahil babawasan na ang subsidiya ng gobyerno. Kaya babawasan ay dahil sa NCR lang nagagamit ang mga naturang tren, so ang point ay di nakikinabang ang mga tga lalawigan...pero ang kinikita ng mga nagwowork sa NCR ay napupunta din sa mga probinsya..kung tataas ang pasahe mababawasan ang napapadala..try niyong mag-isip di ba?"

"Isa sa pinakamaling iisipin pag nasa pribadong kumpanya ka ay ito "ginawa ko naman lahat eh pero bakit parang hindi naman nila napapansin??" or "grabe naman sila! di na makatarungan to".. ang business, kailanman ay hindi top priority ang kapakanan ng mga tauhan, kundi ang kapakanan ng ikauunlad ng kita at kumpanya...basic.. sadly just for the sake of profit. Pa-kunswelo na lang kung maayos ang pamamalakad."


Saturday, September 3, 2011

Disaster Jam Session

Nung nakaraang Sabado, nakita ko sa internet yung sobrang gusto kong kanta na "Not this Time" ng Cultured Pearls. Tinugtog ko sa gitara at awa ng Diyos madali naman pala ang chords. Nagkataon naman na nandun ang big bro ko tapos may isa pang gitara na medyo luma na talaga pero carry pa naman kahit paano na patugtugin. Sa gitna ng session, namatay yun monitor kaya ayun! naging disaster ang rare jamming namin ng bro ko, LOL. nakakatuwa talaga pag kasama ang family sa jamming.. hehehehe, ayan andito sa baba yung video-videohan.. sorry naman. ^_^

video


Followers